Ara Mina, na-develop sa mayor na ex ni Aiko Melendez!

ADVERTISING

Ara Mina, na-develop sa mayor na ex ni Aiko Melendez!

Ara Mina, na-develop sa mayor na ex ni Aiko Melendez!NAPANOOD N’YO naman siguro ang interview namin sa Startalk kay Ara Mina na hindi na talaga napigilan ang mag-iiyak dahil sa isyu nito sa kanyang kapatid na si Cristine Reyes.

Sabi nga ni Ara, kilala niya ang kapatid niya at nakikita nito ito nu’ng nagbigay ng public apology sa The Buzz na hindi ito sincere sa mga sinabi niya at nakikita raw niyang parang kinamumuhian siya.

“Lahat ng mga nasabi niya sa akin, tagos talaga, eh. Alam mo ‘yung sobrang tindi, parang kinamumuhian niya ako, na parang hindi ko maintindihan,” napapabuntung-hininga niyang pahayag dahil nakikita raw niya kay Cristine kung ano talaga ang nararamdaman nito.

“Ramdam ko eh, nakikita ko sa mata niya, at kilala ko siya. ‘Pag talagang litung-lito siya, ‘pag apologetic siya, alam ko ‘yun. Kilala ko siya. Siyempre 10 years ang gap namin, eh. 10 years ang tanda ko sa kanya. Alam ko kung paano siya lumaki,” sabi nito.

ADVERTISING

May iba pang rebelasyon si Ara na kinuwento sa Startalk. Ang iba du’n ay ang pagmamaldita sa kanya ni Cristine, kung paano raw siya insultuhin nu’ng nalaman nitong magdedemanda siya.

Kuwento ni Ara, “Nung nalaman n’ya na balak kong magpa-interview before, bago mag-file (ng kaso). Kaya ako nag-decide na mag-file.

“Sabi niya, ‘sige mag-ready ka na ng isusuot mo sa mga interview mo. ‘Yan  naman ang gusto mo, ‘di ba? Kasi kailangan mo ‘yan. Okey lang ‘yan at para maalala ka pa rin ng mga tao, ‘di ba? Hindi kita maharap kasi busy ako. Samantalang ikaw, nand’yan ka lang naman sa bahay, nakanganga sa bahay, ‘di ba?’

“Dahil busy raw siya, hindi ko nilagay sa isip ko na talagang kainggitan ko siya or something. Sobrang proud ako sa kanya kaya nga ako nag-produce ng movie niya, eh.”

Nasa London pa si Cristine, kaya ewan ko kung sasagutin niya itong mga sinabi ni Ara.

Iyon na raw ang huling pagsasalita ni Ara tungkol sa gulo nilang magkapatid. Magpapahinga na raw siya. Magpo-focus sa trabaho at hihintayin na lang ang resolution ng piskalya sa kasong isinampa niya laban sa kapatid.

Nu’ng Sabado ay nag-graduate si Ara ng Culinary Arts sa ISCHAM at kinunan ito ng Startalk. Napansin nila, nandu’n si Mayor Patrick Meneses, na matagal na palang sila ni Ara.

Hindi naman daw itinatanggi ng aktres ang relasyon nila, pero ayaw na lang niyang pag-usapan.

Matagal na raw silang magkaibigan ni Mayor Patrick, at hindi raw niya alam kung bakit na-develop at natuloy sa magandang relasyon.

Mabuting tahimik na lang daw sila, dahil masaya naman sila sa tahimik na relasyon.

Hay, naku! Ano kaya ang comment diyan ni Aiko Melendez?

Ara Mina, na-develop sa mayor na ex ni Aiko Melendez!

UMALIS NA pala kami kahapon ni Lorna Tolentino patungong Germany para roon sa stem cell treatment namin.

Si Lorna ang naghanda nang husto sa pagpapaturok namin ng stem cell.

Ako, ewan ko, bahala na. Ang gusto ko lang naman, mawala itong mga sakit-sakit ko, at hindi ko naman iniisip na magmukhang bata pa, ‘no!

Balitaan ko na lang kayo pagbalik ko, dahil marami pa ang nagkainteres na pumunta roon at magpa-stem cell.

Nauna na nga roon si Boy Abunda dala ang Nanay Lesing niya na may sakit. Sana nga kahit papaano, makabawas ito sa naramdaman ni Nanay Lesing. Nakasabay pa pala niya roon si Ben Chan ng Bench na nagpa-stem cell din yata.

Naku! Balitaan ko na lang kayo!

Maraming salamat kay Dra. Vicki Belo dahil siya ang gumastos nitong lahat ng pagpapa-stem cell ko. Love talaga ako ni Doktora. Babu!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING