Ara Mina, matagal nang alam na buntis si Cristine Reyes

ADVERTISING

Ara Mina, matagal nang alam na buntis si Cristine Reyes

Ara-Mina-Cristine-ReyesHINDI NA namin ikinagulat ang pag-amin ni Cristine Reyes sa programang ASAP 19 about her pregnancy. Few months ago pa pala ito ipinagtapat ni Cristine sa Ate Ara (Mina), kaya lang, naging quiet din ito about it.

“Wala naman kasi ako sa posisyon na magsalita about it, pero wala rin naman akong inamin at idinenay, ‘di ba?” reaksyon ni Ara.

Ayon pa kay Ara, lalaki ang gustong anak ni Cristine, pero hindi pa raw niya naitatanong kung naipa-ultra sound na ng kapatid ang first baby niya na ngayon ay five months na. Bale, sa April daw nakatakdang manganak si Cristine.

“I’m very, very happy for her and I promised her na susuportahan ko siya kahit ano pang mangyari. A child is a blessing and I’m proud sa ginawa niyang pag-amin,” sey pa ng aktres na due namang manganak bago mag-Christmas.

ADVERTISING

May baby boom sa pamilya ni Cristine. Katatapos lang manganak ng kapatid nilang si Haydee last week ng isang baby girl, tapos si Ara ang susunod, then next year ay si Cristine naman. Tatlong mga bagong apo ang mai-enjoy nang husto ni Mommy Frances Klenk (nanay ng magkakapatid).

Congratulations to Ara, Haydee and Cristine!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING