Ara Mina ikinasal na sa fiance na si Dave Almarinez

Leo Bukas

IKINASAL NA noong Miyerkules, June 30, 2021 ang aktres na si Ara Mina sa kanyang fiancee na si Dave Almarinez, ang CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC).

Ginanap ang wedding  ceremony sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel ala-3 ng hapon. Personal naming na-witness ang kasalan dahil inimbita kami ng couple.

Ara Mina ikinasal na sa fiance na si Dave Almarinez
Ara Mina and Dave Almarinez

Nagmistulang prinsesa  si Ara sa suot niyang white wedding gown na punumuno ng Swarovski crystals at ang haba-haba ng train na dinesenyo  ni Leo Almodal.

Ang naturang wedding gown ay regalo kay Ara ng kanyang mga kapatid na nag-ambagan pa para dito.

Ara Mina ikinasal na sa fiance na si Dave Almarinez
Ara Mina

Suot naman ni Dave ang royal blue suit na dinesenyo naman ni Francis Libiran na nag-design din ng isa pang gown ni Ara na sinuot niya naman sa reception.

Mga bigating personalidad sa pulitika, negosyo, at showbiz ang kabilang sa sampung pares ng mga ninong at ninang nina Ara at Dave.

Ara Mina ikinasal na sa fiance na si Dave Almarinez
Ara Mina and Dave Almarinez

Kabilang sa kanila si dating Senate President Manny Villar Jr. at asawang si Senator Cynthia Villar; Senators Christopher Lawrence “Bong” Go, Richard Gordon, Ralph Recto at asawa nitong si Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto; Trade Secretary Ramon Lopez, Glicerio Santos Jr.; at Ever Bilena owner Mr. Dioceldo Sy,.

Kasama rin sa principal sponsors sina Atty. Roy Almoro, Reality Films producer Dondon Monteverde, Viva Films producer Vic del Rosario Jr., Dr. Milagros Ong-How, ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes, San Pedro Laguna Mayor Lourdes Cataquiz, Megastar Sharon Cuneta-Pangilinan, Robinsons Retail Holdings president Mrs. Robina Gokongwei-Pe, GMA executive Redgie Magno, Emelda Teng, at Jocelyn Lim Chiong.
Samantala, dahil sa banta ng covid-19 virus ay hindi nakarating ang ilan sa mga ninong at ninang nina Ara at Dave. Wala sa Baguio sina Sharon Cuneta na nasa Amerika ngayon, Cong. Vilma Santos at ang asawa nitong si Sen. Ralph Recto.

Wala rin ang dating manager ni Ara na si Dondon Monteverde at ang tumatayong manager niya ngayon na si Vic del Rosario ng Viva.

Best men sina Shawn Weinstein, Pundarika Bibireddy, at Raulito Almarinez. Matrons of honor naman ang mga kapatid ni Ara na si Cristine Reyes at Heidi Gatmaytan, at mga kaibigang sina Jan Marini at Christine Quimbo-Baniqued.

Sina Holy King Reyes, Alfredo Carlo Gatmaytan, Harbin Reyes, Ernesto Lucena Jr., Jose Maria Ariston Sarisola III, Yeshua Charles Labrado at Gerhard Acao ang Groomsmen sa wedding

Ara Mina ikinasal na sa fiance na si Dave Almarinez

Ang mga kaibigan ni Ara na sina Barbie Imperial, Joan Crystal Aguas, Vanessa Attril, Angelita Santos, Jenny Miller, Melissa Ricks, at Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo ang tumayong bridesmaids.

Ang natoka sa veil ay ang magkasintahang Sunshine Cruz at Macky Mathay.

After the wedding ay tumuloy naman ang guests sa grand convention ng Alphaland Baguio Mountain Lodges para sa engrandeng reception.

Na-engage sina Ara at Dave noong January 2021.

Congratulations and best wishes, Mr. and Mrs. Dave Almarinez.

Previous articleSHALA! Heart Evangelista ipinasilip ang kanyang resort sa Boracay
Next articleMaris Racal isiniwalat kung ano ang totoong nagustuhan kay Rico Blanco