Ara Mina, iiwan na rin ang pag-aartista?

ADVERTISING

Ara Mina, iiwan na rin ang pag-aartista?

Ara-MinaLOVELY AS ever pa rin si Ara Mina nang mag-guest ito sa The Buzz last Sunday with Boy Abunda at Toni Gonzaga. Kasama niyang dumating ang live-in partner na si Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan. Naka-schedule kasi ang mag-couple ng exclusive interview with Kuya Boy. Pero sa pakiusap ni Mayor Meneses, si Ara na lang ang umupo sa panel at pinanood na lang niya ang actress habang ini-interbyu ng King of Talkshow.

ADVERTISING

Six months pregnant na si Ara at happy ito sa magiging baby nila ni Mayor Meneses. Nagpa-ultra sound ang actress, sinabi nitoNG babae ang first baby nila. Going stronger daw ang relationship nilang dalawa. Walang problema sa kani-kanilang pamilya ang pagsasama ng dalawa. Nagbigay pa nga ng makabuluhang mensahe ang pamilya ni Ara through video clip.

Ayaw na ring pag-usapan ni Ara ang hidwaan nila ni Aiko Melendez. Katuwiran niya, “Matagal nang tapos ‘yan. Huwag na lang natin siyang pag-usapan. Wala naman akong dapat pang sabihin. Let’s move-on, maging positive na lang tayo.”

Napag-usapan din nina Ara at Kuya Boy ang kasal. Sabi ng actress, ” Napag-uusapan pero hindi pa ganu’n kalinaw. At saka kailangan sigurong makapanganak ako bago tuluyang pag-usapan ang tungkol sa kasal. Ayaw kong unahan si Patrick, gusto ko sa kanya manggagaling kung kailan, hindi ko pa alam. Hindi pa naman siya nagpo-propose sa akin. Anong malay natin bigla niya akong i-surprise… darating din tayo riyan.”

ADVERTISING

Kung si Mayor Meneses daw ang masusunod, gusto nitong tumigil na si Ara sa pag-aartista. Pero alam ng husband to be na hindi ganu’n kadali para sa actress na talikuran ang showbiz. Ngayong nalalapit nang maging mother si Ara, priority na nito ang kanyang pamilya. Ayaw ni Ara na magsalita nang tapos na iiwanan na nga niya nang tuluyan ang pag-aartista. Let’s wait and see…

SUPER BUSY ngayon si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa nalalpit nilang 75th foundation year. Next year pa dapat magse-celebrate ng 75 years ang lungsod, kaso mo nga, one year ang kanilang mga events. This coming October, magkakaroon ng pormal opening sa Araneta para bigyan ng parangal ang lahat ng achievers ng QC noon at ngayon.

Before the year end, uumpisahan na nina Bistek ang pagbabalik ng Quezon City Film Festival. Umaasa ang butihing Mayor na magiging matagumpay ang event na ito na dadaluhan ng mga sikat na celebrities ng local cinema.

Wala raw munang lovelife ngayon si Herbert dahil naka-focus siya ngayon sa mga project ng QC. Saka na raw ang pampersonal niyang kaligayahan. Ang importante, mapasaya niya ang mga mamamayan kanyang nasasakupan.

Kahit public servant na si Herbert, gusto pa rin niyang gumawa ng pelikula. May inihahandang project ang utol niyang sina Harlene Bautista at Hero na pagsasamahan nina Bistek at Governor Vilma Santos. May naka-line-up rin siyang movie sa Viva Films with Maricel Soriano at Anne Curtis.

Sinabi ni Mayor Herbert, na-miss na niyang makakuwentuhan si Sharon Cuneta. Sana raw mapagbigyan siya ng Megastar na makipag-dinner sa kanya. Kapag natuloy ito, isang masayang kuwentuhan, halakhakan ang pagkikita ng dalawang mag-bestfriend.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING