Ara Mina, ibebenta na ang binahang bahay ng ina – Morly Alinio

ADVERTISING

Ara Mina, ibebenta na ang binahang bahay ng ina - Morly Alinio

Ara Mina, ibebenta na ang binahang bahay ng ina - Morly AlinioMAS MAGANDA NGAYON si Vina Morales kumpara sa kapatid niyang si Shaina Magdayao.

ADVERTISING

Ayon kay Vina, masaya siya sa takbo ng kanyang buhay sa ngayon na kahit wala siyang masyadong raket sa showbiz ay kontento naman siya bilang ina ni Ceana na ngayon ay limang buwan na.

“Being a mother ay sobra talaga ang saya ko dahil makita ko lang si Ceana ay para bang nawawalang lahat ang pagod ko,” say ni Vina na nagsabi ring nami-miss na niya ang showbiz. “Yeah, miss ko na talaga kaya lang ay hindi ko pa puwedeng iwan si Ceana kasi sobrang baby pa niya.”

Sa ngayon ay hindi na pinag-iisipan pa ni Vina kung may mangyayaring kasalan sa kanila ni Cedrick dahil ang importante sa kanya ay masaya siya kung saan man siya ngayon naroon. ”Huwag na, huwag na natin siyang pag usapan.” Iwas na iwas iyon na  pahayag ni Vina na para bang may kinatatakutan na hindi mo maintindihan sa sobrang pagkaiwas para pag-usapan ang lalaking ama ng kanyang anak.

ADVERTISING
[ad#post-ad-box]

MULA SA KAMPO ni Richard Gutierrez ang nagsabing wala silang ibang magagawa kundi ang harapin ang demandang inihain sa kanila ng mga kamag anak ng yumaong si Norman. “Dapat talaga, pag-aaralin ni ‘Chard ang mga anak ni Norman, pero look sila ang gumagawa ng ganito kaya ano ang dapat gawin ni ‘Chard,e, di labanan sila at magkita kita na lang sila sa korte,” pahayag ng isang taong malapit sa aktor na nagsabi pa ring nalulungkot ang aktor sa mga nangyayari dahil hindi naman daw nito ginusto ang naganap na aksidente ilang buwan na ang nakararaan.

Samantala, herong-hero ang dating ni Richard sa paningin ni Cristine Reyes matapos na iligtas siya nito mula sa lumubog na bahay sanhi ng bagyong si Ondoy. “Actually, mabait talaga si ‘Chard, likas ang pagiging matulungin niya kaya lang may mga taong hindi na-appreciate ang mga ginagawa niya.”

Ayon pa rin sa aming source, madalas daw niyang nakikita sa ngayon na itong sina Richard at Cristine na lumalagpas na sa kahulugan ng salitang friendship ang mga ikinikilos at sinasabi. “Feeling ko, may relasyon talaga sila, obvious na mahal nila ang isa’t isa,” say ng aming source.

MATAPOS NA MABAHA ang bahay ay ipagbibili na raw ni Ara Mina ang bahay ng kanilang ina.

“Matagal ko na talagang pinaaalis ang mommy ko sa place na iyon pero ayaw talaga niyang iwan dahil pamana pa iyon ng parents niya sa kanya kaya hindi ko siya makulit talaga at mapapayag. Pero at this time, siguro papayag na siya sa gusto kong mangyari dahil alam na niyang binabaha na ang bahay na iyon,” say ni Ara.

Hindi pa raw maibebenta ni Ara ang bahay na tinitirhan ni Cristine at ng kanyang ina. “Hindi pa siguro ngayon dahil wala pang bibili. Siguro bibilang tayo ng years pa. Kailangan pang ipa-renovate ang ilang parts ng bahay dahil nasira talaga sa bagyo.”

Sinabi ni Ara na noong nire-rescue ni Richard Gutierrez  si Cristine sa kanilang bahay ay kasama niya si Angel Locsin.

“Kapitbahay ko kasi si Angel kaya nu’ng malaman niya ang nangyari kay Cristine ay siya mismo ang nag-volunteer sa akin na samahan niya ako.” Hindi naman daw nagkita sina Richard at Angel noong sagipin ni Richard si Cristine. “Parang na-late kami ng dating ni Angel at saka hindi naman kami nakapunta sa mismong baha kasi hindi kami pinayagan ng rescuer.” Aminado si Ara na sobrang bait ni Angel. “Saludo ako sa kanya. Bilib na bilib ako sa kanya. Mararamdaman mo talaga na matulungin siya sa kanyang kapatid.”

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING