Ara Mina handa nang magbuntis; bakit nga ba nawala sa ‘FPJ: Ang Probinsyano?’

Leo Bukas

BILANG pagdiriwang ng first wedding anniversary nina Ara Mina at Dave Almarinez na ikinasal noong June 30, 2021 ay pinuntahan nila Alphaland Baguio Chapel kung saan sila ikinasal noon para muling sariwain ang pinakaimportanteng pangyayari sa kanilang buhay.

“Bumalik kami don sa chapel kung saan kami ikinasal. Don na rin kami nag-dinner,” kuwento sa amin ni Ara.

Ara Mina handa nang magbuntis; bakit nga ba nawala sa ‘FPJ: Ang Probinsyano?’
Ara Mina with husband Dave Almarinez and daughter Mandy

“Nagkaroon lang ako ng surprise dinner para sa kanya pereo wala namang bisita, si Mandy lang, ako at brother kong si Cris (Mathay), Rikki and kids. Marami kasing hindi available sa family dahiil weekday at may work sila,” sabi ulit ni Ara.

Nagpadala rin ng ilang larawan si Ara sa PUSH na kuha nung nagpunta sila sa Baguio kasama si Mandy.

Handa na  ba siyang mabuntis ngayon?

“Yes, ready na ako.  7 years old na rin si Mandy.,” tugon ni Ara.  “Last year kasi and early this year masyadong marami kaming inasikaso. Meron din akong regular show na Ang  Probinsyano at naging busy rin sa campaign kaya mutual yung naging desisyon namin na huwag munang mag-baby. Sana ngayon dumating na siya,” wish ng aktres.

Inamin din ni Ara sa amin na nami-miss na niya ang mga dating kasamahan sa  Ang Probinsyano na pinagbibidahan at idinidirek ni Coco Martin.

“Yes super!  Two years mahigit din ako sa show. We still keep in touch pa rin naman ng  cast,” bulalas niya.

“Umexit kasi ako sa show kasi I need to campaign.  Nung nag-exit ako di pa tapos lock-in namin. Medyo nasa kalagitnaan pa yon at mahihirapan sila pag wala ako, eh.

“Puro highlights na kasi yung kinukunan samin.  Pero hindi pa ako dapat mawawala sa show at ang ganda pa sana ng journey ng character ko as Ellen  kung hindi  ako nag-exit,” paliwanag ni Ara.

 

Previous articleNeri Naig nakapagtapos ng kolehiyo sa edad na 36
Next articleEjay Falcon napaiyak sa oath taking bilang vice governor ng Oriental Mindoro