Ara Mina, gustong magpa-dede ng anak

ADVERTISING

Ara Mina, gustong magpa-dede ng anak

Ara-MinaAYON SA kuwento sa amin ni Ara Mina, before Christmas niya isisilang ang first baby girl nila ni Mayor Patrick Meneses.

“Buti na nga lang before Christmas, ‘di ba? Kasi, imagine kung Christmas mismo, parang medyo kawawa ang anak ko kasi sabay na ng birthday niya ang Christmas, baka wala nang pumuntang makiki-birthday sa kanya, kasi Pasko ’yon. Lahat may handa, tapos siyempre, kasama nila ang family nila.

“Gusto ko naman na ma-enjoy ng anak ko ‘yung birthday niya na nando’n ‘yung ibang mga bata, ‘yung friends niya… Hehehe!” pahayag pa niya.

Handang-handa na ngang maging nanay si Ara. Gusto rin daw niyang i-breastfeed ang first baby niya.

ADVERTISING

“I hope normal delivery. Pero kung anuman, okey rin lang… ‘Yung breastfeeding, oo, magpapa-breastfeed ako.

“Para kasing ang sarap ng feeling na ikaw ‘yung nagpapa-dede sa anak mo. Iba ‘yung attachment ng mother and child kapag ganu’n. Ako, gusto ko ‘yung ma-experience.”

May naisip na ring pangalan sina Ara at Patrick sa kanilang first-born baby. Tatawagin daw nila itong Amanda Gabrielle or Mandy for short.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING