Ara Mina engaged na sa non-showbiz boyfriend na si Dave Almarinez

ADVERTISING
Leo Bukas
ENGAGED NA ang aktres na si Ara Mina sa non-showbiz boyfriend niyang si Dave Almarinez. Tinanggap ni Ara  ang marriage proposal ni Dave nitong Martes (January 12) ng hapon sa San Pedro, Laguna.

Si Dave na  dalawang taong nanligaw kay Ara ay Philippine International Trading Corporation (PITC). Nagsilbi rin siyang board member noon sa lalawigan ng Laguna.

Ara Mina engaged na sa non-showbiz boyfriend na si Dave Almarinez
Ara Mina and Dave Almarinez

Bago pa bumulaga ang mga larawan ng naganap na engagement ay nag-send si Ara sa amin ng isang picture na kuha sa San Pedro. May nakalagay dito na “WILL YOU MARRY ME?” Ayon sa Ang Probinsyano star, ikinagulat niya ang mga sumunod na pangyayari.

ADVERTISING

Nitong Martes ng gabi, bumulaga sa Instagram ang mga memorable moments ng engagement nina Ara at Dave courtesy of Nice Print Photo.

Makikita ang pagluhod ni Dave sa harap ni Ara habang ibinibigay ang singsing. May photo rin si Ara na umiiyak si Ara habang isinusuot ni Dave ang engagement ring sa kanyang daliri.

Ara Mina engaged na sa non-showbiz boyfriend na si Dave Almarinez
Dave Almarinez proposal to Ara Mina

May larawan din na pagkatapos mapapayag ni Dave si Ara na magpakasal sa kanya ay nagyakapan sila nang mahigpit.

ADVERTISING

“They’re engaged! Congratulations @therealaramina and Dave Almarinez (four ring emojis) This most beautiful moment, priceless,” caption ng Niceprint.

Wala pang ibinibigay na detalye sa amin si Ara kung kailan magaganap ang kanilang kasal.

Congratulations and best wishes, Ara and Dave!

ADVERTISING