Ara Mina, ‘di raw nakunan

ADVERTISING

Ara Mina, ‘di raw nakunan

Ara-MinaITINATANGGI PALA ni Ara Mina ang lumabas na balitang nakunan daw ito.

Ang lumabas na balita, tatlong buwan na raw siyang buntis kay Bulacan Mayor Patrick Meneses pero sayang at naagasan daw siya.

Sabi ni Ara, malabo raw siyang mabuntis dahil may polycystic ovary raw siya.

Nagti-take nga raw siya ng medicines dahil gusto na rin niyang mabuntis.

ADVERTISING

Kasi isa rin ‘yun sa paraan na matanggal ang polycystic ovary mo, ang mabuntis. Kay gusto na rin daw niya talaga.

Baka nagkamali lang daw ng balita, kasi ang isang kapatid daw niya ang buntis, pero hindi naman ito nakunan.

Baka next year daw magpakasal na sila ni Mayor Meneses kaya gusto na rin nitong magka-baby sila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING