Ara Mina, ‘di na itinatago ang pagbubuntis

ADVERTISING

Ara Mina, ‘di na itinatago ang pagbubuntis

Ara-MinaOPEN NA rin pala si Ara Mina sa pagbubuntis niya. Dati kasi ay tahimik lang siya at hindi talaga siya nagpapa-interview.

Ngayon ay nag-post na siya ng litrato niya na malaki ang tiyan.

May litrato siyang ipinost sa kanyang Instagram account na kuha nu’ng two months pregnant siya, hanggang sa apat na buwan.

Pero ngayon ay anim na buwan na ang ipinagbubuntis niya at sa December na raw ang due niya.

ADVERTISING

Hindi pa raw nila pinag-uusapan ni Mayor Patrick Meneses ang kasal, pero dinig ko may mga kinakausap na silang suppliers para sa wedding nila. Pero wala pa silang announcement kung kailan ang kasal nila.

Ang sabi naman niya baka after daw niyang manganak doon na raw sila magpakasal. Ang gusto naman daw niya ay sexy siya sa araw ng kasal niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING