Ara Mina, ‘di man lang maipagtanggol ni Bulakan Mayor Patrick Meneses

ADVERTISING

Ara Mina, ‘di man lang maipagtanggol ni Bulakan Mayor Patrick Meneses

Patrick-Meneses-Ara-MinaSI ARA Mina lang ang nag-isyu ng kanyang statement tungkol sa isyu ng “paghihiwalay” nila ni Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses. That’s actually her first and last na magsasalita about the isyu. Kaya lang, dahil sa pananahimik ni Ara, may mangilan-ngilan namang sinasamantala ang sitwasyon para batikusin at birahin siya.

ADVERTISING

Walang balak si Ara na buweltahan ang mga bumabatikos sa kanya at hindi na lang daw niya ito pinapansin. Sa tingin namin, ang dapat gumawa ng paraan para huwag namang madehado si Ara sa isyu ay itong si Patrick. Dapat magkaroon siya ng balls para ipagtanggol ang ina ng kanyang anak, huh!

Gusto ba niyang ginaganu’n-ganu’n na lang si Ara ng iba at hinahayaan lang niya ito? Nasaan na ang kanyang paninindigan? Hindi ba niya iniisip ang nararamdaman ni Ara? O, sadyang bale-wala sa kanya ang mga ganu’ng bagay?

Maano man lang ba na magsalita siya at sabihin sa mga bumabatikos kay Ara na “respetuhin n’yo naman po ‘yung ina ng anak ko.” Something like that.

ADVERTISING

Kita mo si Gerald, kahit umamin siyang hiwalay na nga sila ni Maja, nakiusap pa siya sa press na bigyan ng respeto si Maja. Ganu’n dapat.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING