Ara Mina, ‘di kumbinsidong patawarin ang kapatid
Cristine Reyes, ‘di sincere sa apology?!

ADVERTISING

<b>Ara Mina, ‘di kumbinsidong patawarin ang kapatid</b><br> Cristine Reyes, ‘di sincere sa apology?!

<b>Ara Mina, ‘di kumbinsidong patawarin ang kapatid</b><br> Cristine Reyes, ‘di sincere sa apology?!HINDI PA rin kumbinsido si Ara Mina na patawarin ang kanyang sister na si Cristine Reyes kahit na humingi na ito ng public apology nu’ng mag-guest ang huli sa The Buzz last Sunday.

Wala naman kaming galit kay Cristine, pero hindi namin naramdaman ang sincerity niya sa kanyang paghingi ng sorry sa ate niya. Sinabi kasi ni Cristine na, “I apologize if ever I offended you!”

Napataas nga hanggang 5th floor ang kilay namin nu’ng mapanood namin ‘yon. Na kahit hindi namin sila kaanu-ano, pero alam namin ang kuwento, parang teka munit, Cristine! Ba’t wagas na wagas ang pagkaka-”if ever I offended you!” mo?

Ibig sabihin, du’n sa sinabi mong parang padyokad ang ate mo at halos ibenta na nito ang kaluluwa magkapera lang, hindi ba nakaka-offend ‘yon?

ADVERTISING

Alam namin ang hirap din ni Ara kay Cristine nu’ng hindi pa sikat ang lola n’yo. At si Ara noon, grabe kung pasanin ang buong pamilya, mabigyan lang ng magandang buhay sila.

Wala na tayong pakialam kung nagpakaskas man kung kani-kaninong mayayamang lalakI si Ara. Hindi naman ‘yon ang punto, eh. Hindi naging masamang kapatid at anak si Ara.

Kaya sana, hindi kinakalimutan ni Cristine na nu’ng panahong hindi pa siya si Cristine Reyes eh, nandiyan ang ate niya para suportahan siya.

Kaya kung anuman ang pagkukulang o utang ng ate niya sa kanya, kulang pa rin ‘yon kung ikukumpara sa nagawa ng ate niya sa kanya.

At sana, kung galit, ‘wag gano’n ang ite-text sa ate. Kapatid mo pa rin ‘yan, pagbali-baligtarin man ang mundo.

Higit sa lahat, ‘wag masyadong maikli ang memorya, Cristine.

Magpakumbaba ka nang buong puso, ‘pag naramdaman ‘yon ang ate mo, kilala ko ‘yan, patatawarin ka rin niyan.

 

MAG-STAY MUNA rito sa Manila si Tom Doromal at once in a while, lilipad siya sa kanilang bayan sa Don Marcelino, Davao Del Sur kung saan ang lolo niya ay mayor doon.

“Gusto ko pong i-try ang pag-aartista muna. Although I have to take acting workshop para hindi naman po nakakahiya!” sey ng ex-PBB Teen housemate.

Kinse anyos pa lang si Tom, pero nakatatlong girlfriends na raw siya. Although hindi pa raw siya “nakakapagdilig ng halaman,” dahil “Bata pa po ako, eh. Hindi pa puwede!”

Tama naman siya.

<b>Ara Mina, ‘di kumbinsidong patawarin ang kapatid</b><br> Cristine Reyes, ‘di sincere sa apology?!

Hindi pa nilalamon ng sistema sa showbiz si Tom, dahil kahit anong itanong namin sa kanya ay meron siyang nakahandang sagot. Kami na lang ang umaawat sa kanya, dahil baka ma-misinterpret ng iba ang kanyang mga statements.

Tulad na lamang nu’ng sagutin niya sa aming webcast (sa www.facebook.com/vibestayo) guesting niya kung sino among the housemates ang may body odor. Kinalabit pa namin siya sa ilalim, dahil baka mabanggit niya kung sino ‘yon.

Offline na lang namin siya tinanong at sinagot niya. Pero hindi na para sabihin pa rito, dahil baka isipin ng mga tao, napaka-ungentleman ni Tom.

Meron din siyang feeling na “bading” si Alec, dahil confused daw ito.

Kaya feeling namin that time na kausap namin si Tom, hindi pa niya alam ang totoong meaning ng “bading.” Iba ang meaning sa kanya.

 

WOW! BUONG bansa hanggang sa naaabot ng TFC ay adik na sa Walang Hanggan, grabe. The latest ratings it got nu’ng Friday ay 44.5 na! Nakakatakot ito, kung tutuusin. ‘Pag bumaba nang kuwarenta ito, itatanong kung ano’ng nangyari at hindi na-maintain.

But this is a good problem. ‘Yung week 16 ay nabasa na namin at sobrang na-hook kami kaya natapos namin nang buo. Exciting ang mga susunod na eksena, kaya pakatutukan n’yo ang nakababaliw na teleseryeng ito nina Coco Martin, Julia Montes, Paulo Avelino, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Helen Gamboa, Ms. Susan Roces, Eula Valdes, Joem Bascon, Melissa Ricks, Noni Buencamino, John Medina (si James), Arlene Muhlach and yours truly.

Hanggang du’n na lang kami sa yours truly, happy na kami. Hahahaha!

Pero maraming salamat, dahil alam n’yo naman, ‘pag produkto ng ABS-CBN, pihadong maaadik kayo nang bonggang-bongga!

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING