Ara Mina at Cristine Reyes, mag-uunahang magpakasal next year

Ara Mina at Cristine Reyes, mag-uunahang magpakasal next year

Ara-Mina-Cristine-ReyesCONGRATULATIONS KINA Ara Mina at Mayor Patrick Meneses sa kanilang bagong baby na si Amanda Gabrielle.

Isinilang ni Ara ang isang malusog na baby girl nu’ng kamakalawa ng umaga at nakita ko nga sa ang picture sa Instagram account ni Ara, ang cute ng baby.

Maganda ang kumbinasyon nilang dalawa, ha!

Sabi naman ni Ara, handang-handa na siyang maging Mommy at excited na nga ito, eh. Pero ang pinaka-excited daw ay si Mayor Patrick dahil siya raw ang aligaga sa pagpili ng mga gamit para sa baby.

Kaya malamang na pagkatapos na maayos nila ang baby, tiyak na ang susunod na aayusin nila ay ang kanilang kasal.

Tingnan na lang natin kung sino kina Ara at Cristine Reyes ang unang magpakasal.

 

Abangan n’yo pala bukas ang special guests natin sa Startalk na tiyak aabangan n’yo!

Pagkatapos ng kanilang kasal sa Amerika, ay magkukuwento ang bagong kasal na sina Aiza Seguerra at Liza Diño.

Ikukuwento nila ang mga karanasan nila nung kasal sa Amerika at ang mga pahayag nila sa iba pa ring nanlalait sa kanilang dalawa.

Abangan n’yo ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis