Ara Mina, certified mother na

Ara Mina, certified mother na

Ara-MinaARA MINA is now a certified mother! Nanganak na ang aktres ng isang bouncing baby girl nu’ng Wednesday (Dec. 17) ganap na 11:35 ng umaga. Ang bata ay may timbang na 7.5 pounds.
Normal ang naging panganganak ni Ara sa batang pinangalanan nilang Amanda Gabrielle Meneses na may palayaw na Mandy.
Sa post ni Ara sa kanyang Instagram account, nagpasalamat siya sa biyayang galing sa langit na para sa kanya ang perfectgift this Christmas.
“The perfect gift this Christmas – our Mandy… Thank you Father for the safe delivery of our healthy baby girl. There’s nothing more I can wish for. We are truly blessed. A very merry Christmas indeed! Thank you for all the prayers,” post ngaktres.
Itutuloy ni Ara ang nauna niyang plano na magpa-breastfeed kay Baby Mandy. “‘Pag nanay ka kasi dapat ibubuhos mo lahat-lahat para sa anak mo. Gusto kong magpa-dede para mas maramdaman niya ang aking pagmamahal,” sey pa ng aktres.
Masayang-masaya naman si Patrick nang makita si Mandy na may hawig sa kanya.

La Boka
by Leo Bukas