Ara Mina, buntis na naman

ADVERTISING

Ara Mina, buntis na naman

Ara-MinaNATUPAD DIN pala ang wish ni Ara Mina na mabuntis pagkatapos niyang makunan nu’ng nakaraang taon.

Kaya nabuking na nabuntis uli ito dahil may inalok dapat sa kanya na isang indie film na isasali sa Cinemalaya. Tinanggap na niya yata ito, pero nagpasabi siya kamakailan lang na hindi na niya gagawin dahil buntis na nga raw siya uli kay Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Meron pa dapat isang soap na gagawin niya sa TV5, hindi na rin niya tinuloy dahil kailangan daw niyang magpahinga nang mabuti.

Ang payo sa kanya ng doktor niya ay sa bahay na muna ito at magpahinga. Kaya hindi na siya lumalabas, dahil gusto niyang mabuo na itong ipinagbubuntis niya.

ADVERTISING

Ayaw pa muna ng aktres na magpa-interview sa ngayon dahil napakaaga pa raw.

Kaya super rest siya sa bahay at super pray rin siya na maging okay lang ang kalagayan niya para sa baby na ipinagbubuntis niya.

Kapag puwede nang magsalita si Ara, malamang na may pahayag na rin siya kung kailan na ang kasal  nila ni Mayor Patrick.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING