Ara Mina, bukas ang bahay para kay Deborah Sun

Ara Mina, kahit anong gawin niya, wala raw paki si Mayor Patrick MenesesMarami ang nakasaksi sa mga kaganapan ng pagsisikap, pagsikat, at ilang pagbagsak ni Ara Mina sa showbiz. Kung paanong sila ang makapagsasabi, na ang magandang aktres ay hindi pinagbago ng panahon. Lalo na ang ugali niya ng pagiging positibong tao. Sabi nga, walang maitim na buto sa kanyang katawan. Siya ‘yung tipo ng tao na nakasulyap lang sa kanyang kapwa, pero sa puso at isip ay lagi siyang may pakialam sa kapakanan ng kanyang kapwa tao.

Hindi mapagtanim ng galit si Ara MIna sa mga nakahidwaan na niya. Likas kasi siyang masayahin. Siya ‘yung tipo ng artista na kung mayroon lang din siyang puwedeng ipamigay ay hindi nagdadamot. ‘Yung intensiyon niya ng pagmamagandang-loob na kung sakali ay patirahin muna ang aktres na si Deborah Sun sa kanyang apartment ay hindi na bago sa sistema ng ate ni Cristine Reyes.

Noon pa man ay mahaba na talaga ang listahan ng kuwento ng pagtulong ni Ara sa mga taong nangangailangan. Napakababa ng loob niya sa mga nagigipit kapag siya rin lang ang mayroong maitutulong. Ganu’n din siya sa ibang kapwa niya artista, na hindi na lang nasusulat, dahil ayaw naman niyang ikuwento. Noong kainitan ng kanyang showbiz career ay mayroon siyang sariling foundation na nagsimula na talaga noon sa pagbibigay ng tulong.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleDennis Trillo, nag-mature na raw kaya chill lang sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado
Next articleLJ Reyes, kaya nang makipagsabayan kina Dawn Zulueta at Nora Aunor

No posts to display