APRUB SA PAMILYA: Julia Barretto, si Joshua Garcia na ang gustong maging boyfie!

ADVERTISING

APRUB SA PAMILYA: Julia Barretto, si Joshua Garcia na ang gustong maging boyfie!

APRUB SA PAMILYA: Julia Barretto, si Joshua Garcia na ang gustong maging boyfie!
Julia Barretto

BONGGA NAMAN ni Joshua Garcia. No sweat ika nga sa panliligaw niya sa kapartner na si Julia Barretto. Hindi siya mahihirapan manuyo sa dalaga dahil gusto din siya ni Julia.

 
Yes, aminado ang binata na gusto niya si Julia reason para officially ay nililigawan niya ito.
 
Sa presscon ng pelikula nilang dalawa na “Love You to the Stars and Back” na bagong romcom ni Direk Antoinette Jadaone na kilala sa mga pelikulang emote at hugot na produced ng Star Cinema, kakaiba at mas level up ang romansa sa movie ni Direk reason para ang pelikula ay nakatulong sa off-camera relationship ng dalawa.
 

Isa rin marahil ito sa dahilan ng positibo na reaksyon ni Julia sa binata na nanliligaw sa kanya ngayon.

 

Sabi ni Julia who plays the role of Mika: “Very well-loved naman siya by my family, very accepted at pag may gathering, hinahanap na rin siya kaya nakakatuwa para sa akin kasi siyempre gusto mo accepted,” pagmamalaki ng dalaga.
 

Maging ang ina niya na si Marjorie Barretto ay boto rin sa binata. “Kung ano yung gusto ng mga anak ko, doon ako. Basta happy at protective sa mga anak ko, okay na ako. Basta, inspired.”

ADVERTISING

 

APRUB SA PAMILYA: Julia Barretto, si Joshua Garcia na ang gustong maging boyfie!
Marjorie Barretto with daughter Julia

Dagdag pa ng ina tungkol sa magagandang salita nito sa ka-love team ng anak: “Si Joshua kasi nakikita ko very maka-pamilya siya eh. So important sa amin na he likes being with our family. Parang he looks like a good son.”

 
Kung gayong oks si Joshua sa nanay at mas okey ang binata sa dalaga, maganda ang magiging ending ng sinisimulang love story nina Joshua at Julia.
APRUB SA PAMILYA: Julia Barretto, si Joshua Garcia na ang gustong maging boyfie!
Joshua Garcia and Julia Barretto

 

Sa katunayan, ang mga JOSHLIA fans ay naghihintay na lang ng matamis na sagot ni Julia sa panunuyo ni Joshua. For sure ay 100% haping-happu ang supporters at fans ng dalawa kapag nagkataon!

 
Sa August 30 na ang showing ng pelikula ng dalawa with the support of Cherry Pie Picache, Carmina Villaroel at Ariel Rivera na ang pangako ng mga JOSHLIA fans ay suportado nila ang pelikula.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING