April ‘Congrats’ Gustilo, tinalakan ni Shalala!

ADVERTISING

April ‘Congrats’ Gustilo, tinalakan ni Shalala!

April ‘Congrats’ Gustilo, tinalakan ni Shalala!ISANG SOURCE ang nagparating sa amin na natalakan daw ng komedyano/host na si Shalala ang co-host nito sa kanyang radio program na Todong-Todo, Bigay na Bigay, na si April Gustilo o mas kilala bilang si Congrats.

ADVERTISING

Hindi raw kasi nagustuhan ni Shalala ang biglang pagsulpot ni Congrats sa kanilang show nang walang pasabi, gayong bigla na lang itong naglahong parang bula ng kung ilang linggo.Feeling daw kasi ng sumisikat na komedyanong si Shalala, parang kung kailan lang gustong mag-radio ni Congrats, doon lang siya sisipot.

Kaya naman nang biglang bumalik ito sa kanilang radio program, deadma si Shalala at hindi pinapansin si Congrats, at naghihintay ito ng paliwanag sa biglang pagkawala nito. Pero wala raw eksplanasyong ibinigay si Congrats, kaya naman daw napuno na si Shalala at nakatikim ng bonggang-bonggang talak ang makinis at magandang mananayaw-turned-radio anchor na ikinagulat nito at walang nagawa kung hindi maiyak.

Tsika pa ng aming source, wala naman daw problema sa pagbabalik-radio ni Congrats. Ang gusto lang daw kasi ni Shalala, timbrehan lang siya na babalik na siya at hindi ‘yung kung kailan niya gustong mag-radio, tsaka lang siya sisipot. ‘Yun na!

ADVERTISING

 

MAGANDA AT nakaaaliw ang pinakabagong indie film na mapapanood sa Jan. 21 sa UP Film Center, ang Bola, na pinagbibidahan ng aming kaibigang si Arnell Ignacio at ng mga baguhang aktor na sina Kenneth Salva ng Davao at Jacob Miller mula sa direksiyon ni Lem Lorca.

Isa raw sa aabangan sa pelikulang ito ay ang maiinit pero artistic na laplapan nina Arnell at Kenneth at Kenneth at Sofia Valdez na join din sa indie film. Plus factor pa rito ang kaseksihan ng hunk actor na si Jacob.

At dito rin daw ipapa-sight ni Jacob ang kanyang mahaba at nag-huhumindig na sandata sa isang eksenang sinisilipan siya ni Arnell Ignacio. Kaya naman pihadong mag-iinit ang kalamnan ng mga kabadi-ngan at kababaihang manonood ng pelikulang ito.

 

ALL SMILE ang napakagandang aktres at isa sa lead actress ng Legacy na mapapanood na sa Lunes sa Primetime ng GMA-7 na si Heart Evangelista sa tuwing mapag-uusapan ang kanyang BF na si Daniel Matsunaga.

April ‘Congrats’ Gustilo, tinalakan ni Shalala!

Tsika nga ni Heart, okey ang kanilang relasyon at walang problema sa pagitan nilang dalawa. Nagkakaintindihan nga raw sila ng kanyang Tchutchut (tawag nito kay Daniel) at mas lalo raw nilang nae-enjoy ang isa’t isa habang tumatagal ang kanilang relasyon.

“Wala naman kaming problema ni Tchutchut. Nu’ng Christmas, he was with his family. New Year, he was with his family also. Kasi, I always have to be with my parents for Christmas and New Year.

“Dito lang. Pero nag-spend din siya du’n sa pamilya ni Jun, ‘yung brother-in-law niya. Kasi, close siya du’n, eh.”

Dagdag pa ni Heart na deadma lang daw sila ni Daniel everytime na merong umiintriga sa kanilang relasyon ni Daniel, dahil ang mahalaga raw, nagkakaintindihan sila at masaya ang pagsasama. Kabog!

 

PANALO ANG naging  thanksgiving presscon ng ABS-CBN primetime series na My Binondo Girl na ginanap sa Choi Garden restaurant sa Annapolis, Greenhills, San Juan.

Kung saan ikinuwento ni Kim ang magandang pagtitinginan nila ngayon ng kanyang leading man na si Xian Lim on and off screen.

“These past few months na almost every day kaming magkasama, nakilala ko siya nang husto. Nahihiya pa siya noong una, pero no’ng nagtagal-tagal, nag-o-open up na siya. Dati, ‘yong mga jokes niya, walang dating sa akin. Pero ngayon, meron na. Bakit? Kasi friends na kami.”

At mas lalo pa nga raw silang nagiging close sa isa’t isa habang tumatagal ang kanilang pagsasama sa taping. Pero tsika pa ni Kim, medyo matagal pa bago masabing magiging sila na.

“Masyado pang maaga para ma-sabi ‘yon, pero masayang kasama si Xian,” pagtatapos ni Kim.

Pero base na rin sa obserbasyon ng mga taong nakakasama ng mga ito sa taping, ‘di raw malayong bukas-makalawa, mababalitaan na lang na mag-syota na ang dalawa kung pagbabasehan ang closeness ng mga ito sa tuwing nagti-taping.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING