Appreciation post ni Pauleen Luna para sa kanyang parents pinusuan ng netizens

Leo Bukas

VERY TOUCHING at maraming netizens ang natuwa sa appreciation post ni Pauleen Luna sa kanyang  Instagram account kung gaano siya ka-grateful sa kanyang mga magulang na sina Eugenio at Chat Luna.

Ipinagpapasalamat daw niya nang husto na sina Daddy Eugenio at Mommy Chat ang ibinigay ng Diyos sa kanya para maging magulang. Mula raw sa kanyang pagkabata hanggang ngayon ay ramdam na ramdam niya ang unconditional love ng kanyang parents.

Appreciation post ni Pauleen Luna para sa kanyang parents pinusuan ng netizens
Pauleen Luna with parents Eugenio and Chat Luna

“Sila yung parents na na wala talagang inisip kundi ang kabutihan ko. Napaka-supportive nila. Hindi rin sila bumitiw sa akin at sa kung anuman ang mga naging desisyon ko sa buhay, lagi lang silang nakaalalay,” papuri ng misis ni Vic Sotto sa kanyang mga magulang.

Sa IG ni Pauleen ay very proud din niyang ipinost ang larawan niya kasama ang kanyang mommy at daddy na nilagyan pa niya ng #IDontSayThisEverydayBut.

Sabi niya sa caption, “ #IDontSayThisEverydayBut I am the person, the wife and the mom that i am today because of my parents.

“Looking back, I realize how big of an impact my parents had made in my life. My parents taught us by example and believe me, I still take them with me up to this day.”

Pangarap ni Pauleen na sana ay maging katulad din siya ng kanyang ina.

“My wish is to be at least half of the mom my mom was to me. The amount of sacrifice she put in, the way she took care of us, yung faith niya kay Lord, grabe.

“And my dad who puts his family first NO MATTER WHAT, puts our needs before his and his loyalty to his family and to my mother is such a #GOALS!” dagdag pa niya.

Habang buhay rin daw niyang pasasalamatan ang undying love ng kanyang mga magulang at kung anong klaseng tao din daw siya ngayon ay dahil sa klase ng pagpapalaki at pag-aalaga ng mga ito.

“Now that I have my own family, I can look back and say, buti na lang sila ang mga naging magulang ko. I will always be grateful for their undying love, support and care for us.

“My parents have shaped me into the person i am today and that is something I will always thank the Lord for,” pagmamalaki pa niya.