Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience Concert, ngayong Linggo na!

ADVERTISING

MISS MO na ba si Daniel Padilla? Matagal-tagal na rin natin siya hindi napapanood sa TV o pelikula. Kung minsan nga ay umaasa na lang tayo na lumabas siya sa mga vlogs ng girlfriend na si Kathryn Bernardo dahil tila deprived tayo ng DJ content.

Huwag ka nang malumbay dahil bongga naman ang comeback ng one and only Daniel Padilla! How bongga? Well, may online concert lang naman si DJ ngayong Linggo ng gabi!

ADVERTISING
Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience Concert, ngayong Linggo na!
Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience Poster

Ang ‘Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience‘ ang kauna-unahang online concert ng Kapamilya superstar. Ito na rin ang magsisilbing comeback ni DJ sa pagiging aktibo muli sa showbiz. Well, hindi naman siya totally nawala sa showbiz dahil paminsan-minsan ay lumalabas pa rin ito at nagkataon lang na hindi pa napapalabas ang kanyang pelikula with Ma’am Charo Santos-Concio na ‘Whether the Weather is Fine’ at ngayong October naman ay ipapalabas na ang digital series nila ni Kathryn the ‘The House Arrest of Us’ na sure kami na magbibigay kilig at ginhawa sa mga manonood lalo na sa KathNiel loyalists.

Pangako ng organizers ng digital concert, “This special show promises to showcase the Kapamilya heartthrob’s evolution as an artist and a concert performer, while conquering the digital concert stage.”

ADVERTISING

Kung fan ka ni Daniel Padilla pero may tickets ka rin sa online concert ng global superstars na BTS, no need to worry dahil sa gabi pa naman ang Apollo concert ni Daniel. Kayang-kaya niyo panoorin pareho!

We wonder: Sino kaya ang mga special guests ni Daniel? S’yempre, numero uno sa wishlist namin na may exposure si Kathryn Bernardo!

Ito ang kauna-unahang digital concert ng KTX.PH. Mabibili ang online ticket sa kanilang website sa halagang PHP 499 lamang.

Ang ‘Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience’ ay mapapanood na ngayong October 11, 2020 sa KTX.PH from 8PM to 10PM.

ADVERTISING