Apo ni Presidente Duterte na si Isabelle Duterte, pasok na rin sa showbiz

ADVERTISING

Apo ni Presidente Duterte na si Isabelle Duterte, pasok na rin sa showbiz

Isabelle Duterte with her manager Annabelle Rama
Isabelle Duterte with her manager Annabelle Rama

Bongga ang Duterte Family. Hindi lang sila pang-puilitika, pang-showbiz na rin sila, huh!

Sa isang showbiz party this week, ang apo ni Presidente Rodrigo Duterte na si Isabelle Duterte ay papasukin na rin ang showbiz.

Ipinakilala si Isabelle sa party ng showbiz mom na si Tita Anabelle Rama. Yes, si Isabelle ay mapabibilang na sa mga artista na nasa pangangalanga ni Tita Anabelle at ng kanyang Royal Era Productions and Talent Management.

Makasasama ni Isabelle sa pangangalaga ni Tita A ang mga anak niya na sina Ruffa Gutierrez, Richard at Raymond Gutierrez, at maging si Jay Manalo.

ADVERTISING

Isa pang Duterte ang “showbiz” na rin, and no less than ang hunk na anak ni President Digong na si Sebastian aka Baste na na-link na rin kay Elen Adarna dati (or nakarelasyon si Baste ni Elen).

Si Baste ay balitang ima-manage naman diumano ni Betchay Vidanes na manager ni Robin Padilla, Kylie Padilla, Jasmin Curtis-Smith, Mikhael Daez, at marami pang iba.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING