Apo ni German Moreno, wagi ng gold medal sa Youth Olympic Games

ADVERTISING

Apo ni German Moreno, wagi ng gold medal sa Youth Olympic Games

Gabby-MorenoNAPAIYAK SI Kuya Germs Moreno nang salubungin nito ang kanyang apo na si Gabriel Luis Moreno na nag-uwi sa bansa ng nag-iisang gold medal sa Youth Olympic Games para sa Archery last Friday night.

Tsika nga ni Kuya Germs, hindi niya raw maipaliwanag sa kanyang sarili ang sobra-sobrang kasiyahan sa tagumpay na natamo ng kanyang apo, lalo na raw nang yumakap sa kanya ito at bulungan ng “I love you, Papa. Salamat sa walang sawang suporta,” sabay bigay ng napanalunang medalya nito.

Kinilabutan nga raw ang Master Showman nang mahawakan ang medalyang ginto na napanalunan ni Gabby dahil sa sobrang saya na nararamdaman nito ng mga sandaling iyon.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING