Anya Aragon, bagong discovery ni Jojo Veloso

Anya Aragon, bagong discovery ni Jojo Veloso

Anya-AragonBALIK-SHOWBIZ ULIT ang dating naging kontrobersiyal na talent manager na si Jojo Veloso. At excited siya para sa kanyang bagong discovery na si Anya Aragon.

In fairness, maganda at sexy ang bagong talent na bini-build up ngayon ni Jojo. Makinis at maputi ang kutis. Star material talaga.

Eighteen years old si Anya, tubong Matnog, Sorsogon. Nagkakilala sila ni Jojo nang magawi ang huli sa nasabing lugar.

Pangarap daw ni Anya ang mag-artista. Kaya madali siyang nahikayat ni Jojo na pumasok sa showbiz.

Bilang paghahanda, nag-a-acting workshop ngayon si Anya. Sumasailalim din siya sa personality development training.

Nami-miss daw ni Jojo ang showbiz. Ilan sa mga naging alaga niya dati at napasikat ay sina Ina Raymunodo, Dale Villar, Matt Mendoza, Ana Capri, Aya Medel, at Via Veloso.

Sa ngayon, nagtatrabaho si Jojo bilang isa sa staff ni Governor Gerry Boy Espina ng Biliran province. Siya ang in charge sa pag-aasikaso ng mga bagay hinggil sa scholarship programs ng nasabing gobernador, mga special events at festivals, at pagpu-promote ng tourism sa kanilang lalawigan.

May mga initial negotiations na para sa mga possible projects kay Anya. At kumpiyansiya si Jojo na may promise at future ang bagong alaga niyang ito a showbiz.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan