Anton Bernardo, nakakulong dahil sa droga

Anton Bernardo, nakakulong dahil sa droga

Anton-BernardoKAWAWA NAMAN pala itong dating aktor na si Anton Bernardo na nakulong sa Camp Panopio dahil sa kasong drugs.

Nagtataka lang kami bakit walang may nag-asikaso ng pampiyansa sa kanya. Isang linggo na raw siya roon, nakakulong pa rin, gayung puwede naman siyang makapagpiyansa.

Nakausap ng Startalk ang manager niyang si Direk Maryo J. delos Reyes, na sinabi naman niyang hindi na raw niya hawak si Anton. Nu’ng early part of the year daw ay tapos na kontrata sa kanyang talent management at hindi na raw na-renew. Noon pa raw ay may duda na raw siyang nalululong na ito sa ganu’ng bisyo pero hindi naman nila ito napag-usapan. Sana raw maayos ito ni Anton at malagpasan niya itong pinagdaanan niya.

Ilang beses pinuntahan ng Startalk si Anton na naka-detain pa rin du’n sa Camp Panopio pero nagtago ito. Ayaw niyang magpa-interview at talagang nagtago siya sa mga taga-Startalk na nagsadya sa kanya.

Ang dinig ko, may asawa’t anak na ito, pero bakit hindi man lang naayos ‘yun?

Sana nga maayos na ito dahil sayang din naman. Puwede pang mabigyan ni Direk Maryo ng trabaho ‘yan, eh.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis