Antoinette Taus, handa nang makatrabaho ulit si Dingdong Dantes

ADVERTISING

Antoinette Taus, handa nang makatrabaho ulit si Dingdong Dantes

Dingdong-Dantes-Antoinette-TausPAGKATAPOS NG sampung taon ay for good na raw ang pag-stay ni Antoinette Taus sa Pilipinas at para ituloy ang naudlot na showbiz career.

Nagtaka lang kami kung bakit sa Viva Artist Center siya muling pimirma ng 3 years contract samantalang wala naman itong nagawang maganda sa kanyang showbiz career noon.

Nandiyan naman ang Star Cinema at GMA Films or Regal Films na puwede niyang pagpilian maging contract star.

Kung matatandaan ay dati nang talent ng Viva Films si Antoinette noon teen actress pa lang ito during the late `90s at ginawa nito ang mga pelikulang Honey My Love, So Sweet at Kiss Muna with ex-boyfriend Dingdong Dantes.

ADVERTISING

Anyway baka may personal reason si Antoinette kaya muling pumirma ng kontrata sa dating production outfit, na sana this time ay matulungan umaangat ang showbiz career niya.

Hindi nga raw naging madali ang naging desisyon ng 32 years old comebacking actress na mag-stay na for good sa bansa pagkatapos ng sampung taong pagtira sa Tate.

Sa kanyang pagbabalik showbiz, nakahanda na raw siyang gawin ang mga hindi niya nagawa noon, tulad ng kissing scene at pagpapa-seksi sa pelikula.

Handa na rin siyang makatrabaho ulit ang dating boyfriend na si Dingdong Dantes at gusto rin niyang makatrabaho sina Sam Milby at Xian Lim.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING