Ano ang masasabi ninyo sa mga bagong proyekto ni Maricar Reyes sa ABS-CBN?

ADVERTISING

Naging maingay ang pangalang ‘Maricar Reyes’ dahil sa pagkakasangkot nito sa sa Hayden Kho sex video scandal, kung saan lumabas ang dalaga sa tatlong bidyo kasama ang doktor.

Nag-umpisa bilang commercial model si Maricar at kalauna’y ipinakilala siya bilang baguhang artista sa I Love Betty La Fea. Kasali din siya sa panghapong dramang Precious Hearts Romances bilang katambal ni Ahron Villena. Kasali din siya ipapalabas pa lang na Lovers in Paris kasama sina Piolo Pascual at KC Concepcion.

ADVERTISING

Marami ang nag-akalang lumipad na ito papuntang Amerika para takasan ang iskandalong kinasangkutan. Marami ang nabigla nang makita ang trailer ng May Bukas Pa kung saan lalabas si Maricar bilang isang taong grasa. Siya rin ang bida sa Your Song presents Gaano Kita Kamahal? kasama sina Jodi Sta. Maria at Sid Lucero.

Binatikos man siya noong umpisa, marami naman ngayon ang humahanga sa dalaga dahil sa katatagan na ipinakita nito. Sa sunod-sunod na proyekto niya sa Kapamilya network kung saan gagampanan niya ang mga papel na tila kumukuha ng simpatya, ano ang iyong masasabi tungkol dito?

ADVERTISING