Ano ang masasabi mo kay Rosalinda?

ADVERTISING

MARAMI NA ANG sabik sa pagbabalik ni Rosalinda sa TV! Kung noon ay pinaibig tayo ni Thalia bilang ang inosenteng si Rosalinda, panahon na para subaybayan at suportahan ang Pinay na piniling gampanan na ito at yun ay walang iba kundi ang baguhang si Carla Abellana. Ang napili naman na gumanap bilang Fernando Jose ay ang nagbabalik-kapuso na si Geoff Eigenmann.
Ang Rosalinda ay mapapanood na sa GMA Telebabad sa darating na Hulyo. Inaabangan na ito ng mga Kapuso viewers at marami na ang gustong kumilatis dito.
Mga kaparazzi, ano ang masasabi ninyo sa nalalapit na pag-usbong ni Rosalinda? Ano ang iyong first impression kay Carla Abellana? Sa tingin niyo ba ay kakagatin ng masa ang kanilang tambalan? O, ano na? Sagot na!

ADVERTISING