Ano ang iyong saloobin sa pag-iyak ni Katrina Halili?

MADAMI ANG NAG-ABANG sa first live interview ni Katrina Halili sa Showbiz Central noong nakaraang linggo. Dapat ay magpropromote ang dalaga ng kanyang bagong palabas na Rosalinda, kung saan ginagampanan niya ang papel ng malditang si Fedra.

Ang dapat na masayang interview ay nauwi sa isang emosyonal na pakikipag-usap. Bago kasi isalang ang Starstruck Avenger ay ininterview muna si Vicki Belo tungkol sa nangyaring iskandalo.

Hindi napigilan ng aktres na umiyak at hindi rin niya nasagot ng diretso ang mga katanungan. Noong una’y nakuha ni Katrina Halili ang simpatya ng buong bayan. Pero dahil sa pagsampa nito ng kaso sa Belo Medical Group na walang kinalaman sa sex scandal, madami na ang nainis sa kanya.

Para sa iyo, bumebenta pa ba ang pag-iyak ni Katrina Halili? Naniniwala ka pa rin ba sa pinaglalaban niya?

Previous articlePrimetime Girls: Sino’ng pinapanood n’yo?
Next articleDingdong Dantes, trainer ni Marian Rivera sa Darna!

No posts to display