Ano’ng sey mo Heart Evangelista? Marian Rivera, suportado raw si Dingdong Dantes kahit na sino’ng makapareha

Ano’ng sey mo Heart Evangelista? Marian Rivera, suportado raw si Dingdong Dantes kahit na sino’ng makapareha

Ano’ng sey mo Heart Evangelista? Marian Rivera, suportado raw si Dingdong Dantes kahit na sino’ng makaparehaANG SWEET NINA Marian Rivera at Dingdong Dantes nang mamataan namin sa The Establishment sa The Fort, Taguig City kamakailan. Launch iyon ng Biblio, isang coffeetable book na naglalaman ng mga glamorous pictorial ng mga PPL (talent management ni Perry Lansigan) talents, kung saan kabilang ang aktor.

Kita namin kung gaano nga ka-supportive si Marian basta rin lang para kay Dingdong.

“Oo naman,” nakangiting sabi ni Marian. “Basta kung nasaan si Dong, nasa likod lang niya ako,” sabay sulyap ni Marian sa aktor.

Hindi lang naman daw si Dingdong ang rason kung bakit mas happy at inspired siya ngayon. Labis din daw niyang ikinatutuwa na ang pinagbibidahang epic serye niyang Amaya sa GMA-7 ay maganda ang nakukuhang rating at na-extend pa.

“Actually, dapat matatapos kami ng October. Tapos biglang naging November. Tapos pinag-uusapan kung hanggang next year pa siya.”

Kahit laging iniintriga, it seems nananatiling matatag pa rin ang relasyon nila ni Dingdong. Ano ang sikreto?

“Siyempre ‘yon nga… pagtitiwala at pagmamahal,” ani Marian. “At saka… pasensiya.”

Sobrang busy sila sa kanya-kanyang trabaho. Hindi ba sila nahihirapan to find time for each other?

“Time? Palagi kaming may time para sa isa’t isa. Kahit na ako, sobrang busy ko sa Amaya. Ang maganda lang do’n, siya ‘yong minsang gumagawa talaga ng paraan para mag-meet kami o kaya ako sa bahay. Nagluluto na lang ako. Kakain na lang kaming dalawa. So… meron kaming bonding na gano’n.”

Hindi pa rin talaga nila napag-uusapan ang pagpapakasal?

“Oo. Kasi ‘yong bagay na ‘yan e… hindi minamadali. Dapat talaga, pinag-iisipan. Ngayon eh, ii-enjoy muna namin.”

Pero parang ready na siya anytime na yayain siyang pakasal ni Dingdong?

“Basta tungkol sa mga ganyang bagay, pa-lagi naming sinasabi eh, ayaw naming pag-usapan. Mahirap kasi ‘yong mga ganyang tanong, eh. Ang importante mahal ko siya.”

Ano ba ang ideal wedding niya?

Napatingin muna si Marian Kay Dingdong bago sinagot ang tanong. “Ah… ano ba? Hindi ko pa naiisip, e. Pero kapag dumating na ang point na ‘yon, pag-iisipan ko talagang mabuti kung ano talaga ang gusto ko.”

Hindi kaya maging inspired sa epic setting ng Amaya?

“Ay, hindi. Gusto ko ‘yong taliwas sa nakikita sa telebisyon.”

Tungkol sa pakikipag-co-produce naman ni Dingdong ngayon kay Kris Aquino para sa ginagawang pelikula ng dalawa na Segunda Mano, paano siya sumusuporta?

“Sa lahat naman ng ginagawa niya, sumusuporta ako sa kanya. Gano’n ‘yong klaseng ng relasyon na meron kaming dalawa.

“Iyon din siguro ng isa sa mga rason na… basta suportahan ka-ming dalawa.”

Si Kris Aquino nang mainterview para sa Sunday showbiz talk show ng GMA-7 na Showbiz Central, may nasabing ‘yong pelikula raw na ginagawa nila ni Dingdong na ang pinaka-stress free umanong project para sa aktor kasi love daw siya (Kris) ni Marian.

“Oo naman. Oo naman,” reaksiyon ni Marian.

“At kung magkakaroon ng pagkakataon na meron akong free time, pupuntahan ko sila. Para madalaw ko sila sa set.

Muling magkatambal sina Dingdong at Rhian Ramos sa isang soap. Wala namang problema sa kanya ang tungkol do’n?

“Ay, wala. At saka okey naman kami ni Rhian.

“Kahit naman siguro sinong maka-partner ni Dong okey, sa akin. At alam niya iyan. At saka eversince naman, wala namang naging problema. So… wala talaga.

“Palagi ko namang sinasabi na okey lang kahit sinong maka-partner ni Dingdong. Oo naman. Hindi ko alam kung bakit nagkakaroon ng mga isyu, ‘di ba? Basta all the way akong nakasuporta sa likod niya kahit sino pa ang maka-partner niya.”

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan