Anne Curtis, wala raw amoy-malansa sa mga naging boyfriend

ADVERTISING

Anne Curtis, wala raw amoy-malansa sa mga naging boyfriend

Anne Curtis
Anne Curtis

Ayon kay Anne Curtis, matagal na niyang nire-request sa Viva na makasama sa isang project si Dennis Trillo. Mabuti na lang daw at natuloy ito sa pelikulang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?” na showing na on October 19.

“Si Dennis, finally nagkatrabaho na kami. Lagi ko ngang sinasabi sa Viva when will I get to work with someone different and si Dennis was always on top of the list. So, nakatutuwa na finally nabigyan na kami ng tamang movie together,” kuwento pa ni Anne.

Eh, paano ba niya ide-describe ang actor?

“Sobra siyang quiet na tao, so tina-try ko talagang tsikahin siya nang bonggang-bongga. Sabi ko, napaka-mysterious naman ng taong ito. Pero ayun, eventually, nakita ko na makuwento rin naman pala siya kaya masaya, masaya siyang ka-work,” sagot ni Anne.

ADVERTISING

Dahil gay-themed movie ang “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend?”, tinanong namin si Anne kung may naamoy ba siyang gay sa naging past boyfriends niya.

“Wala naman. Wala. Unless may alam kayo,” natatawa niyang reaksyon.

Si Jun Lana ang director ng pelikula kung saan kasama rin sa cast si Paolo Ballesteros.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING