Anne Curtis, todo-kayod para makabawi sa BIR

ADVERTISING

Anne Curtis, todo-kayod para makabawi sa BIR

Anne-Curtis“NAGMAMAKAAWA NA nga si Direk Chris Martinez na bigyan ko naman daw ng araw ‘yung movie namin sa Viva Films, eh.
“Eh, ano’ng magagawa ko, Mama Ogs, eh sobrang halos everyday nga ang taping natin ng Dyesebel na halos lahat ng ginagawa natin eh, for airing?”
Sabi nga namin kay Anne Curtis during our Dyesebel ay that’s a good problem.
Pero totoo naman ang sinasabi ni Anne na as in almost everyday nga ang taping.
Bilib nga kami rito kay Anne. Sa tagal na naming nagsasama sa Dyesebel ay hindi namin nakitaan ng kamalditahan sa set o hindi rin nagpi-primadonna.
Nako eh, ilan din ang kilala naming grabeng maldita sa set porke sikat at maraming fans.
Pero ‘wag n’yo nang ipabanggit pa sa akin kung sino, dahil mas gusto kong saluduhan si Anne sa pagiging humble, approachable at accomodating sa taping ng Dyesebel.

AND SPEAKING of Anne Curtis, kinumpirma nga sa amin ng aktres ‘yung lumabas na balita tungkol sa BIR.
“Charge to experience” na lang ang drama ni Anne. Malaki raw ang natutunan niya sa “ordeal” na ‘yon.
Pero sabi nga namin kay Anne eh, madali rin naman niyang kikitain ‘yon.
“At sobrang ingat na talaga ako. What’s good about the BIR eh, they said na it was an honest mistake on my part so napa-smile pa rin naman ako.
“Pero next time talaga, careful na ako at talagang tututukan ko na ang mga kinikita ko.
“Saka wish ko lang talaga ‘yung naibayad ko sa BIR eh, talagang mapunta sa mga government projects at mga kababayan natin.
“Anyway, kayod na lang nang kayod uli para makabawi. Hahahaha!”

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING