Anne Curtis, todo-daring sa first international film

ADVERTISING

Anne Curtis, todo-daring sa first international film

Anne Curtis, todo-daring sa first international filmSA OCTOBER 29 pala ang showing ng first international movie ni Anne Curtis na Blood Ransom kasama itong Hollywood actor na si Alexander Dreymon.

ADVERTISING

Pagkatapos ng premiere night nila, diretso raw sila pa-Amerika para naman sa showing doon sa October 30, in time daw sa Halloween.

Ito raw pala ang pinaka-daring ni Anne na kung saan halos wala itong suot sa isang love scene nila ni Alexander at todo French kiss daw sila.

Pagdating nga raw niya galing sa shooting sa Amerika, kinausap daw niya si Boss Vic ng Viva para sabihin na napasabak siya sa todo-daring.

ADVERTISING

Kailangan na raw niyang gawin dahil first daw niya na international film ‘yun.

Hoping si Anne na pagkatapos nito ay mapansin siya ng mga agents doon at malay natin matupad ang pangarap niyang makasama sa pelikula si Zac Efron!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING