Anne Curtis at Sam Milby, sa Dyesebel lang nagkaayos mula nang mag-break

ADVERTISING

Anne Curtis at Sam Milby, sa Dyesebel lang nagkaayos mula nang mag-break

Anne-Curtis-Sam-MilbyMULING MAGSASAMA sina Anne Curtis at Cristine Reyes pagkatapos ng napaka-successful na pelikula nilang No Other Woman. Ito ‘yung The Gifted na ibang-iba sa ginawa nila noon na pang-matured audience.

Itong The Gifted ay may pagka-black comedy na puwede sa mga bata. Kaya tuwang-tuwa si Cristine dahil mapapanood na raw ito ng mga pamangkin niya na mga bata.

Kaya gustung-gusto niya ang pelikulang ito dahil light lang at ibang-iba ang challenge sa kanya na pinapanget siya rito, pero gumanda sa bandang huli.

Hindi si Derek Ramsay ang kasama nila rito kundi Sam Milby na pinag-aagawan nila sa kuwento.

ADVERTISING

Sa September 3 na pala ang showing nito, kaya nagpa-presscon na sila nu’ng kamakalawa lang at doon naikuwento nina Sam at Anne na nu’ng nagkasama sila sa Dyesebel lang pala sila naging okay uli, pagkatapos ng ‘di magandang break-up nila.

Malaking bagay raw ‘yung halos araw-araw na magkasama sila sa taping ng Dyesebel kaya nagkaroon ng time na magkausap at naayos ang dapat ayusin.

Ngayon ay nabalik daw ang magandang friendship at okay na raw sila.

Siyempre happy naman si Anne sa lovelife niya kay Erwan Heussaff kaya walang bitterness at mas gusto niyang okay na siya sa mga ex-boyfriend niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING