Anne Curtis at Sam Milby, 4 na taong ‘di nagpansinan

ADVERTISING

Anne Curtis at Sam Milby, 4 na taong ‘di nagpansinan

Anne-Curtis-Sam-MilbyAPAT NA taon palang hindi nag-usap o ‘di nagkibuan itong sina Anne Curtis at Sam Milby. Nabisto ang lahat nang humarap ang dalawa sa movie press kamakailan.

ADVERTISING

Ayon nga kay Anne, magkaibigan na sila, tinapos na nila ang hindi pag-uusap. May nakaraan ang dalawa, naging mag-dyowa, sa mga ‘di nakaaalam.

Ngayong magkasama sila sa movie na The Gifted, naging close silang dalawa. Kinalimutan na nila ang mga ‘di magagandang paghihiwalay nila ng landas.

Ibig sabihin, naka-move on na nga sila. Hindi tulad ni KC Concepcion…

ADVERTISING

 

SA SEPTEMBER 14 na po ang 6th Star Awards for Music na magaganap sa Solaire Hotel and Casino….
Mapapanood sa September 21 sa ABS-CBN 2 sa Sunday’s Best. Abangan ang ipinagmamalaking stage design ng production designer na si Rico Ancheta at sa direksiyon ni Arnel Natividad.

Ito’y under the production of Miss Tessie Celestino-Howard ng Airtime Marketing.

Good luck sa mga nominess.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING