Anne Curtis at Sam Concepcion, okay na raw

ADVERTISING

Anne Curtis at Sam Concepcion, okay na raw

Sam-Concepcion-Anne-CurtisMISMONG ANG ina na nina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith na si Mommy Carmen Ojales-Smith ang nagsabing okey na sina Anne at Sam Concepcion matapos ang nangyaring komprontasyon ng dalawa na naganap sa birthday ni Vice Ganda kamakailan.

Sinabi pa nito na wala naman daw mabigat na nangyari kina Anne at Sam. Sa pagkakaalam pa nga raw nito ay nagkakausap naman daw ang dalawa.

Samantalang kinumpirma rin ni Sam na nagkaroon nga ng konprotasyon, pero naiintindahan daw niya ang nangyari. Natural lang daw sa isang kapatid na pangalagaan ang nakakabata nitong kapatid. Wala raw masamang ginawa si Anne sa kanya.  Naiintindihan din daw ni Sam ang pagbibigay proteksyon ni Anne sa kapatid na si Jasmine at wala raw dapat ipangamba si Anne sa kanya dahil malinis ang hangarin niya kay Jasmine.

Going back kay Mommy Carmen, inamin nito na tanggap daw niya si Sam para kay Jasmine. Hindi direktang kinumpirma ni Mommy ang relasyon nina Jasmine at Sam, pero wish daw niya na maging maayos ang lovelife ng kanyang anak.

ADVERTISING

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING