ANNE CURTIS, PWEDE NA MAGKA-BABY AFTER BUY BUST

ADVERTISING

ANNE CURTIS, PWEDE NA MAGKA-BABY AFTER BUY BUST

ANNE CURTIS, PWEDE NA MAGKA-BABY AFTER BUY BUST
Anne Curtis

GANUN kabusy si Anne Curtis sa kanyang career na until now ay hindi pa pala sila nakakapag-honeymoon ng mister na si Erwan Heussaff.

ADVERTISING

Almost malapit na ang one year anniversary ng husband and wife team nila kung saan sa New Zealand ginanap ang kasalan ng dalawa na inilihim nila ang detalye at lokasyon at nireveal na lang thru photos a day before their wedding.

Super busy sina Anne at Erwan na isang rason din kung bakit until now ay hindi pa preggy ang “Love ng Bayan”.

Pero bago sila mag-celebrate ng kanilang first year wedding anniversary, naka-schedule na ang naudlot  nilang honeymoon.

ADVERTISING

After ang sagad-sagarang promo schedule for her first real action film na “Buy Bust” directed by Erik Matti, nakalaan na ang panahon ni Anne para sa paggawa nila ng baby ni Erwan.

Sa isang secret hideaway (ayaw sabihin ni Anne) nakatakda ang honeymoon ng dalawa na nadelay dahil sa kabisihan.

Paliwanag niya kung bakit until now ay hindi pa rin siya preggy: “Hindi ito dahil sa pelikula, it was more of I truly believe in enjoying your first year of marriage first siguro. Ganun kami, lalo na we still want to travel together, mag-ha-honeymoon pa kami so hindi pa.”

Sa action film ni Anne na produced ng Reality Entertainment at Viva Films, isa sa mga excited na mapanood ang pelikula niya with Brandon Vera at Arjo Atayde ay ang mister niya na si Erwan.

ANNE CURTIS, PWEDE NA MAGKA-BABY AFTER BUY BUST
Anne Curtis

Kuwento ni Anne about her husband: “He’s so excited about this film. He’s so excited to watch this movie. First time niya nag-block off (ng schedule) na hindi siya aalis, hindi siya gagawa ng work kasi gusto niya mapanuod yung premiere night. Na-a-astig-an siya sa akin.”

Sa naganap na world premiere ng Buy Bust sa New York Asian Film Festival last Sunday, July 15 sa Seva Theater (with 500 seating) ay sold-out screening ng pelikula na sa labas ng sinehan ay madami pa rin ang nakapila sa kagustuhan nila mapanood ang first action film ng aktres.

Sa August 1 ang showing sa Pilipinas ng pelikula.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING