Anne Curtis, pinutakti ng reklamo – Ambet Nabus

ADVERTISING

Anne Curtis, pinutakti ng reklamo – Ambet Nabus

Anne Curtis, pinutakti ng reklamo – Ambet NabusMAY MGA ‘BUMIGWAS’ naman diumano na mga Star Magic talents na tila hindi gaanong natuwa sa klase ng trato na ibinigay daw sa mga gaya ni Anne Curtis na ‘ampon’ lang kung tutuusin ng nasabing most glamorous talent center sa showbiz ngayon.

ADVERTISING

Bukod daw kasi sa binigyan ang mga ito ng special na number ay nabigyan din ito ng mga award gayung may mga equally deserving ‘lesser stars’ na nag-effort din daw na magmukhang glamorosa at maningning na bituin sa nasabing magic ball.

Ang ilan pa nga raw dito ay nangarir ng pagbili ng mamahaling mga kolorete at gamit pampaganda dahil once a year lang daw nilang naidi-display sa mga top executives ang kanilang kagandahan at kaguwapuhan and yet ang papansinin lang daw ay ‘yung mga saling-pusa kumbaga. Sinu-sino nga ba ang mga ito bukod kay Anne, huh?

But in fairness naman kay Anne, na bukod sa natural na maganda at glamorosa, eh, talaga namang reyna ang dating.

ADVERTISING

Hindi naman siguro kasalanan ng dalaga kung siya ang napansin at kung sa ibang talent agency siya nakakontrata. Basta, siya ay isang Kapamilya na naimbita sa ball at nag-enjoy, period.

Other showbiz news by Ambet Nabus:

Jinkee Pacquiao, selos pa rin kay Ara Mina

Independencia, makikilahok sa New York Film Fest

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

ADVERTISING