Anne Curtis, pinaiyak ang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith

ADVERTISING

Anne Curtis, pinaiyak ang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith

Jasmine-Curtis-Smith-Anne-CurtisUMIYAK SI Jasmine Curtis-Smith sa kanyang 20th birthday celebration last Saturday sa live airing ng Spinnation ng TV5.  Umiyak siya dahil binati siya ng kanyang Ate Anne Curtis sa phone.

Ang mga katagang “I will protect you and I love you” ang nagpaiyak kay Jasmine nang sabihin ito ni Anne thru phone.

Sa naturang phone call message ni Anne sa kapatid, nalinaw rin sa isyung hindi nagbabatian o nag-uusap ang magkapatid mula nu’ng laitin at tarayan daw ni Anne ang rumored boyfriend ni Jasmine na si Sam Concepcion.

Patunay na wala silang isyu ng ate niya, nang dalawin niya ito sa ospital last Saturday pagkagaling niya sa Bulucan mula sa shooting ng pelikula nila ni Ms. Nora Aunor.

ADVERTISING

Paglilinaw ni Jasmine na walang katotohanang nagkasamaan sila ng loob ng Ate Anne niya dahil sa insidente nito kay Sam sa birthday party ni Vice Ganda.

Inamin ni Jasmine nasasaktan siya sa mga akusasyon sa Ate Anne niya na kesyo nakarma ito sa ginawa kay Sam kaya nakagat ng jelly fish. Hindi raw makatao ‘yun lalo na at puwedeng ikamatay ng tao ang ganoong sitwasyon.

Ang masasabi naman ni Jasmine sa pagkaka-link diumano ni Sam sa co-star nito sa Mirabella na si Julia Barretto, kung saan daw kaya nakapagbitiw ng masasakit na salita ang Ate niya, “Whatever you guys want to believe, it’s up to you. I have no idea why Sam is being linked to Julia,” pagtatapos ng utol ni Anne.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING