Anne Curtis, okay lang mabuntis bago ikasal

ADVERTISING

Anne Curtis, okay lang mabuntis bago ikasal

Anne-CurtisAYON KAY Anne Curtis, hindi raw totoong nagseselos ang boyfriend niyang si Erwan Heusaff sa ex-boyfriend niyang si Sam Milby na leading man niya ngayon sa isang pelikula.

“Hindi siya seloso. He’s very confident in himself. I think that works. I think, when in a mature relationship you don’t have to explain yourself. It’s a trust issue. If you trust each other, ‘di ba? Nasa sa iyo na lang ‘yan if you break the trust,” say ni Anne.

Dahil uso na ngayon ang kasalan and engagement, may balak na rin ba sila ni Erwan?

“Wala pa. I just really enjoy my career. Maybe 5 year from now, mag-aasawa na ako. Gusto ko nang maging mom,” say ni Anne.

ADVERTISING

Inamin ni Anne na okey sa kanya na mauna ang pagiging mom bago ang kasal. Pero hangga’t maaari siyempre ay gusto muna niyang makasal. Pero kung mauuna raw ang anak ay walang problem dahil blessing daw ang magkaroon ng anak.

Hindi lang pabor si Anne sa live-in set up tulad ni Solenn Heusaff na umaming matagal nang nakikipag-live-in sa boyfriend.

“Mag-sleep over na lang kayo,” nakatawang pahayag ni Anne. “Me kasi, I like having my own space. I think, ‘yun ‘yung ano ng artist. You need your own space. Kasi siyempre, like this, you’re always in front of so many people, like in Showtime din, if you wanna go home, I want to have may own space. Okey na ‘yung sleep overs kayo.

“Para ‘di ba, at least when you get married, du’n na lang. But to each his own, ‘di ba? Minsan may mga taong gusto munang makita kung okay silang magkasama sa isang babay,” katuwiran ni Anne.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING