Anne Curtis, nilinaw na ‘inside joke’ lang ang Snapchat photo ng boyfriend at ng kapatid

Anne Curtis, nilinaw na ‘inside joke’ lang ang Snapchat photo ng boyfriend at ng kapatid Nagsalita na si Anne Curtis sa naging maingay na isyu sa showbiz at social media kaugnay ng Snapchat photo ng boyfriend na si Erwan Heussaff at ng kapatid na si Jasmine Curtis Smith, kung saan marami ang ‘nalaswaan’ umano sa eksena sa litrato.

Lalo na ng magpahayag din si Anne ng reaksyon sa nasabing photo, kung saan sinabi ng aktres na, “It’s your birthday but dude that’s my sister. Bye.” Inakala pa nga iba na hinawalayan na ni Anne ang long-time boyfriend, at si Jasmine ang natira nang husto ng mga basher.

“This is the only time I will comment on this issue. So please STOP saying awful things about my sister & boyfriend,” ani Anne sa kanyang Twitter acccount na @annecurtissmith.

Paliwanag ni Anne Curtis, isa lamang umanong ‘inside joke’ ang nasabing Snapchat photo sa pagitan nilang tatlo ng lahat ng mga nasa party.

Aniya, “Hey all, this getting out of hand. It was all an inside joke between my boyfriend, my sister, myself and everyone at the party. My private account was wrongly screencapped and this is becoming ridiculous. We took down posts because so manny people reacted maliciously to them automatically and we didn’t want all of this happen, we are all fine.”

Nakiusap din ang aktres na tigilin na rin ang masasakit na paratang sa mga mahal niya sa buhay.

“I’m lucky that Erwan treats Jasmine like his own sister. He has known her since she was 13. So please, STOP. It deeply saddens me that such viciousness is being thrown at the people I love. DON’T perverse their relationship. I mean, seriously. This is a non-issue,” pagtatapos ng aktres sa kanyang tweet.

Samantala, hindi na rin nakatiis ang ina nina Anne at Jasmine at umalma na rin ito sa mali umanong panghuhusga kay Jasmine.

Ani ng kanilang inang si @carmcurtissmith, “Sa lahat na nagsasabi makati malandi ang anak ko na c jasmine, huag kayong mag husga at alamin ang katotohanan, hindi ako nag co comment pero sobra na kau!!!”