Anne Curtis, nauubos na ang mga damit!

ADVERTISING

Anne Curtis, nauubos na ang mga damit!BACK TO WORK na ulit si Anne Curtis sa kanyang pre-noontime show na Showtime. Na-interview namin si Anne at ikinuwento niya sa amin ang kanyang naging holiday vacation. “Dahil live kami nu’ng Christmas day, after noon, nagpunta kami ng Hongkong. Then we went to Bangkok, nagtrabaho ako du’n. Tapos nagkaroon ako ng time na mag-beach.

Nag-beach kami noong Dec. 31 kaya ako tanned na tanned ngayon. Pero overnight lang kaya sandali lang kami ng sister ko. Kasi live na kami nu’ng Jan. 1,” mahabang kuwento ni Anne.

ADVERTISING

At dahil bagong taon na, may New Year’s resolution din si Anne. “Ilang beses ko nang sinasabi ito, dahil nga nag-tweet sa akin si Paulo Coelho (isang magaling na author), na-inspire ako na ganoon pala ang feeling ng isang fan. Kaya ngayong taon, magiging ganoon na rin ako sa mga followers ko sa Twitter. Hindi lahat, pero I will try.” Pahayag ng aktres.
Dahil sa araw-araw ang kanyang programa, problema raw ngayon ni Anne ang kanyang mga damit.

Nauubusan na raw ito ng mga isusuot kaya naman nagulat siya sa regalong nakuha niya ngayong araw mula kay Kris Aquino. “She gave me nice tops to help me daw replenish my closet.

“Kasi nga araw-araw ang Showtime at nauubos na ‘yung mga damit ko. Buti na lang okay itong mga ibinigay ni Ate Kris. Kasi nu’ng nasa Bangkok ako sinabi niya na I should go to this place daw kaso lang sabi ko wala akong time. Kaya sabi niya, okay sige ako na lang! Kaya I’m very very happy. She is really becoming a sister to me.” Pagbabahagi ni Anne.

ADVERTISING

Excited na rin si Anne para sa kanyang bagong proyektong gagawin kasama ang kanyang real-life and rumored na nakabalikang boyfriend na si Sam Milby. “’Eto nga kakakuha ko lang ng script namin so I have to read it and internalize on my character. Kasi malayung-malayo ‘yung characters namin dito sa tunay na buhay. Nakapag-workshop na nga kami so ayun, kailangan ko na itong basahin!”

Pero bukod dito, masayang-masaya rin ngayon si Anne para kay Sam na nakalubos ng bakasyon kasama ang kanyang mga pamilya. “I’m just really happy for him. Kasi alam mo siya hindi siya nagkakaroon ng time to spend with his family ‘pag mga holiday vacations kaya I’m happy that he found time.” Ngayong araw, January 6 ang uwi ni Sam Milby mula sa kanyang bakasyon sa Ohio.

ADVERTISING