Sipat-eklat: Anne Curtis, natanggalan ng bra sa ASAP sa Boracay!

ADVERTISING

Sipat-eklat: Anne Curtis, natanggalan ng bra sa ASAP sa Boracay!SIPAT: Uy, NAGBABALIK-SHOWBIZ si COGIE DOMINGO!
EKLAT: BATI na sila ni CHAVIT SINGSON?

SIPAT: MAHUSAY namang AKTOR si COGIE, kaya WELCOME siya sa SHOWBIZ.
EKLAT: Basta sa ACTING lang siya mag-CONCENTRATE…

SIPAT: NATANGGAL daw ang BRA ni ANNE CURTIS habang NAGSASAYAW sa SUMMER SPECIAL ng ASAP XV sa BORACAY? To the RESCUE daw agad si SAM MILBY na NIYAKAP si ANNE.
EKLAT: Hmp! Ang KILL JOY!

SIPAT: REKLAMO ng mga KAFATID sa ASAP XV nu’ng LINGGO…
EKLAT: ‘Yung mga GIRLS naka-TWO-PIECE SWIMSUITS, ang mga BOYS naka-BOARD SHORTS!

SIPAT: BAKIT daw si JED MADELA, e naka-LONG SLEEVES sa BORACAY episode ng ASAP XV?
EKLAT: IMADYININ n’yo nga kung naka-TWO-PIECE siya!

ADVERTISING

SIPAT: GUSTO n’yong mag-WALKOUT si JOHN LLOYD CRUZ habang INIINTERBYU?
EKLAT: TANUNGIN siya TUNGKOL kay SHAINA MAGDAYAO!

SIPAT: Kaya ‘WAG nang KULITIN si LLOYDIE kung anong GINAWA nila ni SHAINA sa SHANGRI-LA BORACAY, ha?
EKLAT: A) NAGKUWENTUHAN; B) nag-BONDING; C) nag-PUSOY; D) nag-ACTING WORKSHOP; D) NONE of the ABOVE

SIPAT: ‘HINDI ko siya ASAWA. HINDI ko siya KAPATID. HINDI ko siya KAMAG-ANAK!’ Sey ni RUFFA GUTIERREZ nang MATANONG about JOHN LLOYD-SHAINA brouhaha.
EKLAT: WALANG halong SELOS ‘yan. Pramis!

SIPAT: BAKIT daw nag-WALKOUT si SHARON CUNETA sa TAPING ng show niyang SHARON?
EKLAT: JOLLIBEE at HINDI MCDONALD’S ang ipina-DELIVER na SNACKS?

SIPAT: REMAKE ng isang KOREANOVELA ang PAGTATAMBALANG PROJECT nina ANGEL LOCSIN at JOHN LLOYD CRUZ.
EKLAT: Isa pang ganyang PROJECT kay ANGEL… siya na ang REYNA ng REMAKE!

SIPAT: Bakit WALA si KRIS AQUINO sa KAPAMILYA SUMMER STATION ID?
EKLAT: ABALA sa PANGANGAMPANYA!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING