Anne Curtis, nababaon sa pananahimik ni Sam Concepcion

ADVERTISING

Anne Curtis, nababaon sa pananahimik ni Sam Concepcion

2 Anne-CurtisISYU NA pinag-uusapan pa rin hanggang sa ngayon ang pangungumpronta na ginawa raw ni Anne Curtis kay Sam Concepcion sa nakaraang birthday celebration ni Vice Ganda sa Gramercy Bar sa Makati nu’ng nakaraang Marso 30. Usap-usapan ang mga binitiwang salita raw ng aktres kay Sam gaya ng, “You’re not even classy enough to be here?” at ang pagkukumpara daw ni Anne na wala sa kalingkingan ang kotse ni Sam sa pinakalumang modelo ng kotse na mayroon siya.

Sa kabila ng pagbibigay-linaw ni Anne sa kanyang Instagram, kung saan pinost pa niya ang larawan na kasama niya si Sam at ilang mga kaibigan sa kaarawan ni Vice na sinabihan lang niya ang aktor na alagaan ang kapatid, pero ‘di niya pinahiya ito, iba’t ibang bersyon pa rin ng kuwento ang lumalabas.

Sinubukan naming kunin ang panig ni Carlo Orosa, manager ni Sam tungkol dito pero tinuro niya kami kay Gian Viscarra na handler at malapit daw kay Sam at ito raw ang aming kausapin.

Nang makausap naman namin si Gian Viscarra, sinabi nito sa amin na hindi magpapa-interview si Sam, hindi sila mag-i-issue ng statement at kung anuman ang sinabi ni Anne ay ‘yun na rin ang panig nila.

ADVERTISING

Sa amin, sana ay bigyan ng pagkakataon ng management niya si Sam na sabihin ang panig nito, dahil mentras na ‘di siya nagsasalita, lalo lang nababaon si Anne dahil may mga sanga-sangang kuwento ang lumalabas pa sa ngayon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING