Anne Curtis, may major comeback sa It’s Showtime ngayong Sabado

ANNE CURTIS IS BACK!

Nakatakda na ang pagbabalik-telebisyon ni Anne Curtis pagkatapos ng mahigit dalawang taong pamamahinga sa showbiz. Matatandaan na nag-desisyong mag-leave muna sa It’s Showtime ang aktres dahil na rin sa kanyang pagtutok sa real-life role bilang isang asawa kay Erwan Heussaff and ina kay Baby Dalhia.

Anne Curtis, may major comeback sa It's Showtime ngayong Sabado
Anne Curtis

Dahil sa pandemya ay na-extend ang leave ni Anne sa showbiz dahil sa Australia muna namalagi ang pamilya. Now that they’re back in the Philippines at ready na ulit magbalik-showbiz si Anne, given na mas priority nito ang kanyang major comeback sa ‘It’s Showtime’ at talagang miss na miss na siya ng mga madlang pipol!

Of course, a Dyosa deserves a grand comeback! Asahan ninyo na pasabog ang entrada ni Anne sa It’s Showtime! Ano kaya ang paandar niya this time? Abangan!

Maliban sa kanyang grand noontime show arrival, magbabalik din ito sa concert scene via ‘Luv-ANNE’ na gaganapin sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila ngayong darating na June 11.

Sa panayam kay Anne sa TV Patrol ay ibinalita din niya na niluluto na rin ang kanyang grand comeback sa pagbabalik-teleserye. Earlier this year din ay nabanggit din ng Viva na naglalatag na rin sila ng comeback movie para kay Anne.

Wow na wow! Talagang love na love si Anne at nakalinya na ang mga bagong proyekto niya!

Congratulations, Anne! You are really ANNE-kabogable! Nag-iisa ka!

Previous articleDaniel Padilla at Kathryn Bernardo ipinagdiwang ang 10th anniversary sa Chiang Mai, Thailand
Next articleHOLLYWOOD DREAMS: Liza Soberano, pinili si James Reid bilang bagong manager