Anne Curtis, magtatapos na ang teleserye

ADVERTISING

Anne Curtis, magtatapos na ang teleserye

Anne-CurtisMARAMING NAGTATANONG sa amin sa Twitter at siyempre, hindi naman kami sinungaling na tao, kaya aaminin na namin na kami’y isang sirena… este, ang teleseryeng Dyesebel ay malapit nang magwakas. Kung hindi kami nagkakamali, huling tatlong linggo na lamang ito sa Primetime Bida.

Me nagtanong kung ano ang rason kumbakit magtatapos. Aba’y kung ang mga buwan nga sa kalendaryo ay may katapusan, ang teleserye pa kaya?

Umabot din ng 18 weeks ang Dyesebel na mataas lagi ang nakukuhang ratings, so masama pa ba?

Saka hindi naman dapat malungkot ang mga tumatangkilik, dahil lagi namang may magandang kapalit ang ABS-CBN para hindi biguin ang mga manonood.

ADVERTISING

Honestly, kami ay nasa-sad na, kasi nga, very, very close na namin ang buong cast ng Dyesebel, eh.

At sa totoo lang, walang maarte at pa-primadona sa set, kaya like na like namin ang grupo.

Abangan ang bonggang pagtatapos sa July 18, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING