Anne Curtis, lasing nang maaksidente? by Tita Swarding

Anne Curtis, lasing nang maaksidente? by Tita Swarding

Anne Curtis, lasing nang maaksidente? by Tita SwardingOLA CHIKA! SA apat na sulok ng showbiz, halos pinag-uusapan ang isyung Rosanna Roces. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat kung sino nga si Rosanna Roces bilang artista ng local industry. Sa kanyang tinamong kasikatan noon dahil sa matalak ito sa mga intriga, at magpahangang ngayon, hindi pa rin siya nilalayuan ng intriga.

Naku, ha! Bukod sa isyung hahabulin siya ng DSWD dahil sa nakitang naka-dirty finger ang kanyang apo sa isang site sa internet, lulong pa raw ito sa casino at pilit na binabawi ang kanyang apo sa poder ng mga Revilla. Ilan lamang ‘yan sa mga isyung hinaharap ng dating Sex Goddess. Kelerke nga naman! Halos sa lahat ng babasahin, hindi nawawala ngayon ang pangalan ni Osang.Talak dito, talak doon.

May nakarating sa akin na pinapatulan na ni Osang ang mga indie film kahit mumurahin upang may panustos diumano sa kanyang pagka-casino. Kalerke, ha! Kaya ganu’n na lang daw ito kung bumanat sa mga Revilla at parang blackmail na diumano ang ginagawa ni Osang upang mabigyan ng datung ni Bong Revilla. Kaloka nga naman! Ganu’n na ba kalulong si Osang? Ano raw?! Gagamitin nga raw ni Osang ang apo para magkadatung?

Ilan lamang ‘yan sa nakarating sa akin. Hindi ko pa nakakausap si Rosanna tungkol sa isyung ito. Pilit ko siyang tinatawagan ngunit patay ang cellphone niya. I’m sure, makararating ito kay Rosanna.

NATAWA NA LANG ako sa chikang ito. Halos magulat ang sambayanan nang maibalitang naaksidente ang aktres na si Anne Curtis, buti na lang at galos lang ang tinamo nito. Bukod sa puyat, super-pagod pa ang actress dahil may commitments din pala itong pinuntahan bago nag-taping. Ayun, sa kasamaang-palad at hindi inaasahan ay naaksidente ito.

Pero marami ang naglabasang chika na kesyo nakainom daw ito, na kesyo naka-drugs. Ano ‘yun, bangag? ‘Ching!  Idagdag pa na may problemado nga raw ang actress sa kanyang buhay pag-ibig, kaya sa kanyang pag-iisip hindi na lang daw niya namalayan at ’yun nadisgrasya na ito. Naku, kalerke nga naman! ‘Yun na!

MARAMI ANG NAG-E-MAIL sa akin at isa lamang sa mga e-mail na ito ang nanghula kung sino ‘yung aking pitik-bulag noong nakaraang araw. Naku, pinutakte ako ng mga mensahe. Kalerke, ha! ‘Yung iba, gustong makuha ang blogsite ng baguhang aktor na nagpakita ng dambuhalang ari. Kaloka nga naman. Naku, ha? Hulaan n’yo na lang kung sino ‘yun. ‘Yung galing pa ng ibang bansa. ‘Yun na.

Narito ang e-mail message sa akin ng isang regular Pinoy Parazzi reader na si “EMERSON SORIANO” <nhotskie_0707@yahoo.com>

Hello Tita Swarding,

Good Day. First of all i want to congratulate the pinoyparazzi kasi enjoy ako kapag nagbabasa ako ng news thru the net, kasi im here sa Doha, Qatar so dito lang ako nauupdate about showbiz. Well sa column mo ako laging unang pumapasok.

Regarding to your blind item issued on July 28, 2009, please give me the site ng baguhang actor at yung name nya, kasi dito sa Qatar ito na lang ang pinagkakalibangan ko, please tita give the site.

Hoping for your response.

More power to you and God Bless.

Regards,
Emerson P. Soriano
Qatar

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding