Anne Curtis, katakam-takam pa rin

ADVERTISING

Anne Curtis, katakam-takam pa rin

Anne-CurtisINILABAS NA ang sirena costume ni Anne Curtis at ayon sa mga nakakita ay katakam-takam pa rin ang alindog ni Anne.

Sabi nga ng mga kalalakihan na magmula pa raw noon at hanggang ngayon ay pinapantasya pa rin nila si Anne.

Kahit sabihin pa raw na may edad na ito para gampanan ang role na Dyesebel ay parang sariwang-sariwa pa rin daw ang actress sa kanilang paningin.

Ang sarap daw kainin at ulamin ang isang sirena na kasing-ganda at kasing-seksi ni Anne.

ADVERTISING

Grabe at hindi raw nila maintindihan kung anong mayroon si Anne para raw pantasyahan lalo na ng mga kalalakihan.

Well, isa lang ang masasabi namin. Talagang maganda at seksi si Anne at hindi kami magtataka kung hanggang ngayon ay sangkatutak pa rin ang nagpapantasya sa mestisang actress.

Sayang at hindi kami nakasama sa grand presscon ng Dyesebel. Hindi tuloy namin nakita kung gaano kaganda ni Anne na nakasuot ng isang sirena outfit?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING