Anne Curtis, kabilang sa 50 smartest celebrities on Twitter

ADVERTISING

Anne Curtis, kabilang sa 50 smartest celebrities on Twitter

Anne-CurtisSA KANYANG Instagram and Twitter account, sinalubong ni Anne Curtis ang bagyong si Glenda last Wednesday morning habang pauwi siya galing sa taping ng kanyang fantasyerye na Dyesebel na magtatapos mamayang gabi.

ADVERTISING

Si Anne, ginamit niya ang kanyang social media account to advise people sa sitwasyon ng Kamaynilaan sa pagragasa ni Glenda.

Kaya nga last Wednesday evening, dahil halos 80% of the country ay walang kuryente ay nag-replay sila ng epsode sa Dysebel. Hindi man nagkaroon ng regular airing ang last Wednesday episode ay iko-compressed ng DreamScape Entertainment ang mga nai-shoot at naiwanang epsodes na hindi pa naipalabas sa Dyesebel na ngayong gabi ay magtatapos, ayon kay Biboy Arboleda ng DreamScape Entertainment.

Sa pagkakaalam ko, after tonight’s episode ay magbabakasyon-grande muna si Anne kasama ang boyfriend na si Erwan.

ADVERTISING

By the way, congrats kay Anne na pinangalanan na one of the 50 Smartest Celebrities on Twitter which for us ay aprub kami. Dahil ang social media para sa dalaga ay hindi lang lang pang-update ng kanyang kakikayan, kundi nakapagtatawid ng mensahe para sa mas nakararami.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING