Anne Curtis, inilaan sa mga kabataan ang espesyal na araw

Anne Curtis, inilaan sa mga kabataan ang espesyal na araw

Anne-CurtisNAGDIWANG NG 30th birthday si Anne Curtiz kamakalawa sa kanyang TV show na It’s Showtime na simple lang ang kasuotan. Nagpauna na si Anne sa mga kasamahan at audience sa show na maaga siyang aalis dahil may pupuntahan siyang special place para roon ipagpatuloy ang selebrasyon ng kanyang kaarawan.

As expected, binati siya ng mga kasamahan sa show ng happy birthday at nandoon din ang kanyang ama na bumati on stage.

Napagtanto lang namin na sa piling ng mga kabataan pupunta si Anne para i-celebrate ang kanyang kaarawan nang mag-post siya sa kanyang Instagram account last Monday ng mga children’s books na may caption na, “All ready for tomorrow. Will be spending my birthday somewhere special and meaningful after Showtime.”

Nag-post din siya ng kanyang baby picture with matching birthday caption: “On this day, 30 years ago, Little Me was born. It’s been a wonderful, crazy, humbling, sometimes hurtful, challenging but beautiful journey till now and I’m so excited to see and experience what life, the universe and our Heavenly Creator has yet to reveal to me! Thank you for all the sweet birthday greetings! Sending light, love and a million kisses to all of you!!”

Last year, nagkaroon daw ng salo-salo si Anne sa araw ng kanyang kaarawan sa isang resto sa Quezon City sa piling ng ilang entertainment press at hindi kami kasama sa naturang kasiyahan.

Sa kanyang 30th birthday, sa piling ng mga kabataan naman niya gustong i-celebrate ang kaarawan na maganda at magiging makahulugan dahil siguradong masayang-masaya ang mga batang nakasalamuhan ang isang sikat, cute, mabait, at napakagandang actress.

Bumati rin sa Instagram ang kanyang mga kaibigan at kapatid na si Jasmine Curtiz-Smith na nag-post pa ng kanilang larawan na magkasamang magkapatid noong maliliit pa sila.

“Happy birthday Ate. It’s so difficult to think of a message for you because everything I could wish for, you already have. The only thing I could think to ask the Lord for is to keep on flourishing your blessings. I’m so thankful that we’ve grown close to the point where nababatukan na kita kapag inaasar mo ako. Thank you for being the core of the Curtis-Smiths and never being short of help for our parents, for always being my Ate in every aspect kahit na matigas ulo ko and ‘di ko pa nakikita ang point mo. For always being crazy for the world to love and be entertained by. For being so so amazing. For showing me what passion for the craft is all about. WE’RE OFFICIALLY A DECADE APART TODAY, let that sink in 30 KA NA!!! I love you!!! Can’t wait to spend the day with you,” post ni Jasmine.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo