Anne Curtis, gusto na ring magpatali sa BF na si Erwan Heussaff

ADVERTISING

Anne Curtis, gusto na ring magpatali sa BF na si Erwan Heussaff

Anne-Curtis-Erwan-HeussaffTUTAL USO na rin lang naman ang kasal na naging trending nga ang marriage proposal ni Dingdong Dantes sa girlfriend niyang si Marian Rivera last week, heto’t si Anne Curtis, plano na ring magpatali sa boyfriend niyang si Erwan Heussaff na kapatid ng sexy star na si Solenn Heussaff. Sa edad niyang 29, in the next three to four years pa niya gustong lumagay sa tahimik.

Kung maalala pa, minsang napabalita na nag-split sila ni Erwan (na isang chef at food blogger) na love na love ng dalaga, pero dahil hindi nga showbiz na showbiz itong si Erwan, nagmaldita pa nga yata ito minsan nang tanungin ng media tungkol sa estado ng relasyon nila ng dalaga.

Pero sa totoo lang, guwaping si Erwan na puwedeng pasukin ang showbiz, pero mas minabuti na lang ng binata na mas mag-concentrate sa kanyang budding career as a chef and restaurant owner.

Sa kaso ni Anne, hindi kaya delikado na sa estado niya kung pagdating pa niya ng 32-33 years old balak magpakasal? Sa edad niyang ‘yun, baka malagay sa alanganin ang pagbubuntis niya.

ADVERTISING

Not all women are lucky na nagkaka-baby kahit sabihin na between 23-25 sila nag-aasawa. What more kung lampas trenta ka na? Or baka ang mga anak ay wala sa prayoridad nila ni Erwan (tulad ni Solenn na mas type lang ang live-in set up sa kanyang Argentinian BF).

Pero sayang kung sakali, ang gandang lahi pa naman kapa nakabuo sina Anne at si Erwan ng kanilang magiging baby.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING